in

Buksan ang public competition maging sa mga permit to stay holders

Ang bill ng European Union 2013 ay nagsasaad na matatanggap lamang ang mga mayroong carta di soggiorno. Sa Kamara ay sinusubukang palawakin ang pagkakataon. 

Rome – Agosto 5, 2013 – Ang Disegno di Legge Europea 2013 ay inaprubahan ng Senado at kasalukyang nasa ilalim ng pagsusuri ng Kamara kung saan nasasaad na maaaring makapasok bilang public employee maging ang mga imigrante na mayroong kilalang carta di soggiorno. Narito ang mga detalye.
 
Isang pangunahin at makabagong ideya, isang makabuluhang hakbang na naglalayong tanggalin ang diskriminasyon laban sa mga banyagang manggagawa. Gayunpaman, ay hindi makakaila na ang mga naghahangad ng pwesto sa Public Administration ay ang mga dayuhang manggagawa na mayroong karapatang mag-trabaho sa Italya, na kasalukuyang limitado sa private sectors lamang. 

 
At maaaring itanong kung bakit ang sinumang matatanggap sa isang kumpanya ay hindi maaaring matanggap rin sa Ministero. 
 
"Ang pormulasyon ng bill ay naiiba sa batas na sa ngayon ay kilala at pabor na ipinatutupad maging sa mga EU nationals na regular na naninirahan”, ayon kay Sergio Briguglio, isang eksperto sa imigrasyon na sumusubaybay sa ebolusyon ng mga batas sa pamamagitan ng kanyang online archives. 
 
Saan batay ang mga naging desisyon ng mga hukom hanggang sa ngayon? Ang katotohanan na ang Italya ay ipinagtibay noong 1981 ang Convention Oil 143/1975, na nagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga dayuhang manggagawang regular na naninirahan at manggagawang nasyunal. Ngunit maging sa pagsusuri ng ilang kategorya ng mga imigrante, tulad ng mga kamag-anak na dayuhan ng mga EU nationals ay hindi maaaring mag-trabaho sa Public Administration at hindi dahil sa partikular na ‘loyalty’ merit sa Republika. 
 
"Kabilang sa mga di kasali – pagpapatuloy ni Briguglio – ay maaaring ang mga dumating dito ng ilegal, tulad ng mga dayuhang nakapag-asawa ng EU national. Kung ang bansa at ang kanyang batas ay hindi pinagbabawalan ang pagpasok sa PA sa mga ganitong tao, sa anong basehan nila dapat pagbawalan ang mga ito, halimbawa, sa dayuhan na katatapos lamang ng PhD sa Bocconi”?
 
Ang paghahanap ng mga kasagutan ay ginagawa rin maging sa Motecitorio, kung saan ang PD; SEL at M5S ay nagsulong sa komisyon ng isang susog upang lawakan ang nasasaad sa bill. At kung ito ay papasa, ay maaaring makapasok bilang public employee ang mga Third country nationals na nagtataglay ng permit o stay na nagpapahintulot sa kanilang pagta-trabaho sa bansa.”. 
 
Upang maging makatotohanan, gayunpaman, ang mga susog ay hindi kaylanman papasa. Ang administrasyon ay hihingin ang pag-atras sa mga susog. Dahil ang pagbabago ng teksto sa Chamber of Deputies, sa katunayan ay mangangailangan ng pagbalik ng teksto sa Senado, ngunit dahil sa maraming paglilitis ng paglabag sa Brussels, ang antalain ang proseso ng bill ay maaring maging malupit ang kapalit para sa bansa. 
 
Wala na ba talagang pag-asa? Tila hindi pa naman. Ang kahulugan ng mga susog, sa pagsapit sa Kamara ay maaaring gawin sa pamamagitan ng isang agenda o ordine del giorno, na papanigan naman ng ilang grupo na magtutulak sa gobyerno upang ganap na buksan ang public competition para sa mga dayuhan, basta’t nagtataglay ng balidong permit to stay upang makapag-trabaho sa Italya. Humaba ang proseso ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi makarating sa tunay na hangarin. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

China, nagreklamo sa resolusyon ng US

“What’s up Milan?!”