in

“What’s up Milan?!”

Buwan ng Hulyo at Agosto, ang panahon ng bakasyon at pamamahinga sa karamihan ng mga Italyano, ngunit para sa mga Pilipino ay tila panahon pa ring puno ng pagdiriwang at mga kasiyahan.

Milan, Agosto 6, 2013 – Silipin natin ang ilang pagdiriwang na ito sa lungsod ng Milan..

Chiesa Cristiana Evangelica Internazionale o CCEI sa kanilang ika-8 anibersaryo para sa Filipino Community at ika-16 anibersaryo para sa International Community. Ginanap sa Teatro Pime, Milan at pinamunuan ni Pastor Joselito Gandia. Ang naturang religious group ay aktibong kinabibilangan ng mga iba’t ibang lahi sa Milano. Ang tema sa nasabing anibersaryo “No Limits, No Boundaries”
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
           

                                                                                   
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
“Milano Streetshoot” na inorganisa nina Giorgio Taddia at Barbara Bolzoni. Ginanap sa sentro ng Milano partikular sa Duomo. Bukod sa mga Italyanong photographers ay dumalo din ang ilang pinoy photographers. Anim na magagandang models na kinabibilangan ng mga Italyana at isang Ecuadorian ang nagpakuha ng mga litrato sa kanilang iba’t ibang pose. Bahagi rin ng programa ng mga organisers na imbitahan ang ilang Pinay na may hilig din sa pagmomodelo sa mga susunod na streetshoot.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
“Hataw 2013” disco for a Cause… Ito ay inorganisa ng isang kawang gawang groupo sa Milano, ang “United Ilonggos in Italy” sa pangunguna ng kanilang presidente na si Wilde Colendres. Dinaluhan ito mga pinoy groups, maging ang ilang miyembro ng  Konsulado para makipag yugyugan at makisaya sa nasabing diskohan.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Nag-champion ang team “Certoza” laban sa Margharita sa iskor na 83-97 sa ginanap na Immaculate Conception basketball league 2013 sa pamamagitan ng kanilang sponsor at organizer na si Father Rudy. Labing apat na koponan ang sumali sa naturang torneo. Naging Most Valuable Player naman si Wade Hamilton ng team “Certoza”. Ayon sa kanilang manager na si Roger Roque, walang tigil ang kanilang pag-eensayo pero lagi niyang pinaalalahanan ang mga players na huwag pabayaan ang kanilang trabaho at pag-aaral.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Ang kilalang “Sugarcane Jam” sa Milan ang napusuhan ng isang Italian businessman para i-promote at mag-demonstrate ng kanyang mga binebentang musical instruments. Ayon kay Francesco Liconti, ang may ari ng negosyo, ang pinoy band ay ang kauna-unahang nag indorso ng kanilang mga benta.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
(ulat at larawan ni Chet De Castro Valencia
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buksan ang public competition maging sa mga permit to stay holders

Beef and Spinach Cannelloni