in

Gabay sa Edukasyon sa Italya

Paano nababalangkas ang paaralan sa Italya


 
Ang paaralan sa Italya ay nahahati sa apat na yugto:


• Day Care (asilo nido) – Para sa mga batang may edad na 0 hanggang 3 taong gulang. Hindi isang obligasyon ang pagpasok dito. Ito ay isang institusyon na nagbibigay ng asistensya at edukasyon, nakalaan sa mga magulang na naghahanapbuhay ng full time at hindi maaaring makasama ang mga anak sa maghapon.
Kindergarden (scuola materna) – Dito ay pumapasok ang mga bata na may edad na 3 hanggang 5 taong gulang at hindi isang obligasyon ang pagpasok dito. Tumatagal ito ng 3 taon at sumusunod sa isang partikular na proyektong pang-edukasyon. Maaaring publiko, pribado, na pinatatakbo ng mga religiuos person o ng lokal na komunidad.
Unang yugto ng pag-aaral. Ito ay isang yugto ng pag-aaral na pinapasukan ng mga batang may edad mula 6 hanggang 13 taong gulang at binubuo ng 2 antas. Ang parehong antas ay bahagi ng obligadong edukasyon.
–  Mababang paaralang o primaryo. Sumasaklaw sa elementarya at tumatagal ng 5 taon.
–  Paaralang sekondaryo. Sumasaklaw sa mataas na paaralan (Junior high school o medie) at tumatagal ng 3 taon.
Ang paglipat mula sa mababang paaralan sa sekundaryong paaralan ay awtomatiko, nang walang pagsusulit na pagdadaanan mula sa estado.
Ikalawang yugto ng pag-aaral. Ito ay pinapasukan ng mga batang may edad mula 14 hanggang19 na taong gulang, at ang kabuuang haba ay 5 taon at nahahati sa biennium o dalawang taon at triennium o tatlong taon. Sa ikalimang taon ang mag-aaral ay sumasailalim sa eksamen ng estado, ang tinatawag na maturità, na kinakailangan upang makapasok sa unibersidad o makapag-simula sa trabaho.  

 
Sa yugtong ito, ang mag-aaral ay maaaring magpasiya kung anong uri ng paaralan ang papasukan: high school, artistic high school at school of arts, polytechnic school o vocational school.
 
Batay sa napiling paaralan, ang edukasyon ng mag-aaral ay nag-iiba. Sa katunayan, para sa mga pumili ng High School (liceo) ay sasailalim sa pag-aaral ng theory at kapag lumaon ay ang praktikal, samantala ang mga pumili ng polytechnic at vocational school ay pag-aaralan ang mga subjects na konektado sa paghahanda sa napiling propesyon. Sa vocational school lamang maaaring matanggap ang kwalipikasyon sa kalagitnaan ng pag-aaral matapos ang ikatlong taon sa pamamagitan ng isang eksamen.
 
Ang obligadong edukasyon
 o compulsory school
 
Ang obligadong edukasyon sa Italya, ay tumatagal ng 10 taon (5 sa mababang paaralan, 3 sa paaralang sekondarya at 2 taon sa ikalawang yugto ng oryentasyon sa pag-aaral sa Superior school), at ito ay karaniwang nangangahulugan na ang mga kabataan mula 6 hanggang 16 taong gulang ay obligadong pumasok. Ang obligadong edukasyon ay libre at ang mga libro ay libreng ibinibigay sa mababang paaralan lamang at ang mga pamilya ay kailangang bumili ng ibang gamit sa paaralan.


 
Upang magampanan ang obligadong edukasyon ay may 3 pagpipilian:


• Sa kaso ng mga bagsak o repeaters, ang ulitin nang 2 taon ang sekondaryong paaralan o medie (hanggang matanggap ang diploma ng sekundaryong paaralan);

• Pumasok sa unang dalawang taon ng mataas na paaralan o superior school

• Pumasok sa isang regional training and vocational education na nagbibigay ng professional qualification makalipas ang 3 taong pagsasanay o isang diploma sa kaso ng pagpasok ng isang kurso ng 4 na taon.
 
Kapag nagampanan ang obligadong edukasyon, ang mga kabataan na nais magpatuloy sa pag-aaral upang makatanggap ng diploma o ng vocational qualification. Samakatwid, ang mga mag-aaral makalipas ang 16 na taong gulang ay maaaring magpatuloy sa pagpili sa mga sumusunod:
• Pumasok sa isang mataas na paaralan o superior school;

• Pumasok sa regional training and vocational education na nagbibigay ng vocational qualification matapos malampasan ang kurso na nagtatagal ng pinakamababa ng tatlong taon.
• Magsimulang mag-trabaho na may kontrata bilang apprentice na nangangailangan ng obligasyong pumasok sa mga gawain ng pagsasanay.

 
Paalala! Kung ang mag-aaral ay napagtanto na kumuha ng isang pagsasanay na hindi angkop sa sariling kapasidad, ay maaaring baguhin ang kanyang pinili sa pamamagitan ng 2 pagpipilian dahil lahat ng tatlong nabanggit ay magkakapareho.
 
Ang karapatan sa edukasyon ay para rin sa mga banyagang mag-aaral at hindi obligadong ipakita ang permit to stay kahit matapos magampanan ang obligadong edukasyon. Samakatuwid, makalipas ang 16 na taong gulang, ang mag-aaral ay hindi dapat tumigil sa pag-aaral ng sapilitan. Ang exemption sa obligasyon na ipakita ang permit to stay ay para sa buong panahon ng pag-aaral samakatwid ay mula sa nursery hanggang sa makakuha ng maturità o ng professional qualification . Sa ganitong paraan, ang karapatan sa edukasyon ay mapo-proteksyunan hanggang sa matapos ang pag-aaral.
 
Sa paksang ito, ang Konseho ng Estado sa pamamagitan ng Desisyon b. 1734/2007 ay isinasaalang-alang na ang pagsapit ng 18 taong gulang ay nagaganap bago ang pagtatapos sa Superior school at samakatwid, ang kakaibang pag-uugali o trato sa isang undocumented na tumanggap ng karapatan sa edukasyon ay maaaring humantong sa isang diskriminasyon sa pagitan ng mga mag-aaral na italyano at mga dayuhan.
 
Oras at bakasyon sa paaralan


 
Ang school year sa Italya ay tumatagal ng halos 9 na buwan sa isang 
taon, mula sa kalagitnaan ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Hunyo. Mayroong dalawang bakasyon: dalawang linggo sa pagdiriwang ng Pasko (kadalasan mula Disyembre 23 – Enero 6), at halos isang linggo sa Pasko ng Pagkabuhay (Marso o Abril). Lahat ng ibang araw ng bakasyon sa iba’t ibang okasyon, na ibinahagi sa buong school year, ay ipinapa-abot sa mga magulang sa pamamagitan ng abiso.
 
Sa maraming paaralan ang mga magulang ay maaaring pumili sa oras sa pagitan ng dalawang pagpipilian:
– 40 oras bawat linggo: ang pasok ay mula Lunes hanggang Biyernes 8.30-16.30 kasama ang lunch break
- 27 o 30 oras sa isang linggo: ang pasok ay mula Lunes hanggang Sabado, may klase sa hapon ayon sa pagpapasya ng bawat paaralan.

Mahalaga ang maging puntwal sa oras maging sa pagpasok (maraming mga klase ang nagsisimula ng 8:00 o 8:30) at paglabas.
 
Ang mga absences ay kailangang may dahilan at pinahihintulutan ng mga magulang at hindi maaaring lumagpas sa isang-kapat (1/4) ng school year. Sa kaso ng pagliban sa higit sa 6 na araw dahil sa sakit, upang makabalik sa eskwela ay kakailanganin ang medical certificate na nagpapatunay na ang mag-aaral ay magaling na.
Sa buong school year ay mayroong mga indibidwal o mga pagpupulong sa pagitan ng mga guro at mga magulang na nagpapahintulot sa isang mahusay na kolaborasyon sa pagitan ng dalawa para sa edukasyon ng mga anak at para sa mahusay na integrasyon sa klase.
 
Para po sa inyong katanungan, mangyaring ipagbigay alam lamang po sa: akoaypilipino@stranieriinitalia.it. Abangan ang Ikalawang Bahagi. Maraming salamat po!
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dapat gawin kung biktima ng diskriminasyon o rasismo

UNITED ILONGGOS IN ITALY