in

Anu-ano po ang mga parusang haharapin ng employer sa pagtanggap ng undocumented?

Magandang umaga po sa inyo, akin pong napag-alaman na sa pamamagitan ng isang bagong batas, ang sinumang tatanggap at magbibigay ng hanapbuhay sa isang undocumented immigrant ay maaaring mahatulan. Totoo po ba ito? Anu-ano po ang mga parusang maaaring harapin ng isang employer?

 

 
Roma, Agosto 19, 2013 – Sa Artikulo 22 ng Immigration Act ay nasasaad ang krimen ng pagbibigay ng trabaho sa mga non-EU nationals na hindi regular o undocumented.
Sa katunayan ay nasasaad na ang mga employer na tumatanggap sa mga manggagawang dayuhan na walang permit to stay, o mayroong expired permit to stay at hindi nag-aplay ng renewal nito sa panahong itinalaga ng batas, at ang renewal ay tinanggihan, ay paparusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan hanggang tatlong taon at isang multa ng 5000 euro para sa bawat manggagawa. (Ang mga parusang ito ay nasasaad sa D.L. 92 ng 2008).
Mas mabigat na parusa sa pagpapatupad ng D. Lgs 109 ng 2012
 
Bilang karagdagan sa mga nabanggit na parusa sa pagtanggap at pagbibigay ng trabaho sa mga irregular  immigrants, ang d. lgs. N. 109/2012 ay nagbigay ng paglilinaw sa posibilidad na paglala ng pagkakasala.
 
Partikular, ay nasasaad ang pagtaas ng parusa mula sa one- third hanggang sa kalahati ng kaso kung saan:


– ang bilang ng mga manggagawa ay higit sa tatlo;

- ang edad ng mga manggagawa ay mas mababa sa edad ng mga dapat magtrabaho;

- ang mga manggagawa ay napapailalim sa malalang kondisyon o exploitation
 
Kung ang employer ay mahahatulan, ay dapat bayaran, bilang karagdagang parusa, maging ang gastos ng pagpapabalik sa sariling bansa ng mga dayuhang manggagawa na pinagtrabaho ng ilegal.


 
Karagdagang mga pagbabago sa pamamagitan ng legislative decree n. 109 ng 2012
Tulad ng nabanggit, ang dekreto, bilang pagpapatupad ng European Directive 2009/52/EC (nailathala sa Opisyal na pahayagan noong Hulyo 25), ay gumawa ng makabuluhang mga pagbabago sa Immigration Act.
Partikular, ang mga bagong probisyon sa Artikulo 22, na nagsasaad ng mga pamamaraan ng pagpasok sa Italya ng mga non-EU nationals para sa subordinate jobs.
 
Tandaan na para sa isang regular employment ng dayuhang manggagawa, ang huling nabanggit ay dapat na nagmamay-ari ng isang permit to stay na magpapahintulot upang makapag-trabaho.
 
Kung hindi, ang employment ay maituturing na bawal maliban na lamang sa pagkakaroon ng direct hire (o tumutukoy sa isang partikular na pagpasok sa bansa upang magtrabaho) na nagpapahintulot sa pagpasok sa bansang Italya ng mga dayuhan upang magtrabaho. Matapos ang pagpapalabas ng mga entry quotas, ay maaaring magpatuloy sa proseso ng aplikasyon ng nulla osta o clearance na magpapahintulot sa manggagawa upang magkaroon ng entry visa para sa susunod na pagpasok sa bansang Italya.
 
Ang Clearance ay inaaplay sa Sportello Unico per l’immigrazione. Ang tanggapang ito, matapos ang isang kahilingan buhat sa employer, ay gagawa ng mga kinakailangang pagsusuri sa tulong ng ilang mga tanggapan (police at provincial labor office).
 
Sa kaso ng positibong resulta sa lahat ng mga pagsusuri ay ipagkakaloob ang clearance, kung hindi naman ang clearance ay tatanggihan at hindi ipagkakaloob.


 
Ang pagtanggi at kanselasyon ng clearance o nulla osta
 
Bilang pagsunod sa Batas, ay isinasaad rin ang mga hipotesis sa paghahayag ng pagtanggi sa awtorisasyon.

 
Partikular, ang pahintulot ay tinatanggihan kung, pagkatapos ng mga pgasusuri, ang employer ay natuklasang nahatulan sa huling limang taon, kahit na ang sentensya ay hindi pa pinal, at bilang resulta sa paratang sa mga sumusunod na mga pagkakasala:


a) aiding and abetting illegal immigration sa Italya at patungong ibang bansa mula sa Italya o krimen na kinasasangkutan ng pangangalap ng mga tao para sa prostitusyon o pagtutulak sa prostitusyon o sa mga ilegal na gawain ng mga menor de edad
b) pakikipag sabwatan at exploitation sa trabaho sa ilalim ng 603bis Artikulo ng Penal  Code;
c) employment ng mga dayuhan walang permit to stay o expired na permit to stay.
 
Bilang karagdagan, ang clearance ay tinatanggihan, sa kasong ipinagkaloob at binawi kung ang mga dokumento na isinumite ay peke o dinaya, kung ang dayuhan ay hindi nag-report sa Sportello Unico per l’immigrazione upang pirmahan ang contratto di lavoro sa loob ng 8 araw mula ng pagpasok sa Italya, maliban na lamang kung ang pagkaantala ay resulta ng mabigat na dahilan.


 
BABALA: Isang probisyon ng Legislative decree n. 109 ng 2012 ay nagbibigay din ng posibilidad para sa regularization (aplikasyon mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 15) na magliligtas sa mga employer sa mga sanctions at nagbibigay ng pagkakataon sa mga manggagawa upang magkaroon ng isang regular na permit to stay.
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gabay sa Edukasyon sa Italya II

PA – Bukas at tatanggap sa mga imigrante simula Setyembre