in

Permit to stay sa mga biktima ng domestic violence

Ito ay ibibigay ng Questura, sa pamamagitan na rin ng kahilingan ng social worker. Ang dekreto na simulang ipatupad kamakailan ay magbibigay proteksyon din sa mga kababaihang imigrante.

Roma, Agosto 29, 2013 – Higit na proteksyon para sa mga dayuhang biktima ng karahasan sa tahanan sa Italya. Kung undocumented sa Italya ay maaaring magkaroon ng permit to stay na makakatulong upang makatakas bilang mga biktima, tulad na rin ng ginagawa sa mga biktima ng prostitusyon at ng sindikato.   

Ang probisyon ay napapaloob sa dekreto "upang labanan ang karahasan base sa kasarian”, na ipinatutupad simula noong nakaraang buwan, kung saan mas binigatan ang mga parusa sa pagmamaltrato o pang-aabuso sa miyembro ng pamilya, panggagahasa at ang paniniktik (stalking) at kung saan nasasaad din ang agarang paglalayo sa bahay ng suspect at ang libreng legal assistance para sa biktima. Ang gobyerno, tulad ng paliwanang ni Minister of Interior Angelino Alfano matapos ang paglulunsad ng probisyon, ay naghahangad na maiwasan ang karahasan, parusahan na may katiyakan ang salarin at protektahan ang mga biktima”, na may konsiderasyon din sa mundo ng imigrasyon.

Ang dekreto ay nagsasaad, sa katunayan, ng isang artikulo ukol sa “pagbibigay ng permit to stay sa mga biktima ng domestic violence," buhat sa Questura, sa pamamagitan ng mungkahi o ng positibong opinyon ng Public Prosecutor's office. Ito ay mangyayari kung sa imbestigasyon ng pang-aabuso sa pamilya, pinsala sa sarili,genital mutilation, pagkidnap, panggagahasa o ang aksyon ng persekusyon sa Italya na “nauugnay sa karahasan sa tahanan” ay mapapatunayan ang “kaganapan ng karahasan o pang-aabuso sa dayuhan” at ang kanyang kaligtasan ay nasa panganib dahil nais makatakas o ang makipag-tulungan sa mga investigators (hal ang pagrereport sa salarin).

Ang nasabing permit to stay ay maaaring ibigay kahit na ang sitwasyon ng karahasan o pang-aabuso ay naganap sa panahon ng pangangalaga ng mga social workers na dalubhasa sa pagtulong sa mga biktima ng karahasan. Sa kasong ito ang social service ang magbibigay ng ulat sa awtoridad taglay ang lahat ng mga elemento na magpapahintulot upang suriin "ang kabigatan at ang pagiging panganib para sa kaligtasan ng dayuhan.” Ang dokumento ay maaaring ibigay sa mga EU at non-EU nationals. 

Ngunit ano ang ibig sabihin ng domestic violence o karahasan sa tahanan? Ang dekreto ay ipinaliwanag ito ng detalyado: "Ang lahat ng mga kilos, na hindi okasyunal, na pananakit  na pisikal, sekswal, sikolohikal o pinansyal na matutuklasan sa loob ng pamilya o sa mga miyembro ng pamliya, sa kasalukuyan o naunang asawa o mga taong naging malapit na karelasyon hanggang sa ngayon o nagpapatuloy, kahit na ang nananakit ay kasama o nakasama sa iisang tahanan ang biktima”.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Signature campaign laban sa PDAF, tagumpay

MILLION PEOPLE ‘S MARCH AGAINST PORK BARREL MATAGUMPAY!