in

Italyano nasaksak, matapos awatin ang mga nag-aaway na Pinoy

Bandang alas 10 ng gabi, sa init ng pag-aaway ng mga Pilipino sa Giardini Margherita (Bologna), isang 31 anyos na Italyano ang nagtangkaang awatin ang mga ito ngunit sa kasamaang palad ay nasaksak.

Bologna, Setyembre 11, 2013 – Maaari bang ituring na pagkakamali ang gumawa ng mabuti: araw ng Linggo Sept. 8, isang 31 anyos na Italyano ang nasaksak sa Giardini Margherita. Ang tanging kasalanan lamang ng biktima ay ang awatin ang mainit na away sa pagitan ng 2 Pilipino. Sa kasamaang palad ay nasaksak ang Italyano sa likod.

Ang lahat ay nagsimula sa masayang kwentuhan ng isang grupo ng mga Pilipino hanggang, ayon sa mga report, ay dumating ang isang lasing na Pilipino. Nagsimula ang away sa pagitan ng 2 Pinoy at sinubukan ng Italyano ang awatin ang dalawa. Nasaksak sa likod ang Italyano. Samantala ang salarin ay mabilis na sumakay ng kanyang sasakyan, tumakas at nag-park makalampas ang porta Santo Stefano.

Mabilis na dumating ang awtoridad at ambulansya at sinugod sa ospital ang biktima. Ang isang Pilipino na sugatan sa away ay donn na rin mismo tiningnan ng ambulansya.

Inaresto ang 46 anyos na si P. S. H., regular sa Italya. Ayon pa rin sa mga report, dalawang Pilipino ang muntikan ng masagasaan ng salarin dahil sa pagtatangka ng mga ito na pigilan ang kanyang pagtakas.

Malaki ang naitulong ng mga indikasyon ng mga nakasaksi sa pangyayari sa pagkakahuli sa salarin. Nananatiling dala ng salarin ang kutsilyo na ginamit sa away.

Samantala sa isang panayam ng Quotidiano.net kay Roberto Caliò, ang biktima na pinalad na mababaw lamang ang saksak at hindi nasugatan ang internal organs, ay lumabas ng Maggiore hospital makalipas ang ilang araw at inilahad ang mga pangyayari.

Bakit mo inawat? Hindi ganito ang malamang na ginawa ng ibang tao.

Nakita ko po ang isang Pilipino na nakahandusay sa kalsada at sa aking pong pagkakatanda ay tila gigilitan sa leeg ng may hawak ng kutsilyo. At doon po ako nagsimulang umawat”.

Anong ibig mong sabihin sa ‘at doon po ako nagsimulang umawat’?

Ako po ay nasa park noong mga oras na iyon dahil sa isa kong appointment. Noong una, nakita ko ang pag-aaway ng grupo at ako ay tumawag ng pulis, ngunit hindi ko nakita ang patalim. Para po sa akin ay normal na pag-aaway lamang ito, suntukan po, iyon lamang. Noong nakita ko po ang kutsilyo at nakita ko ang 1 Pilipino na nakahandusay sa kalsada, ako po ay umawat sa kanila, kung hindi malamang po ay napatay ang Pinoy”.

Ano ang iyong ginawa upang iwasan ito?

“Sinipa ko po ang may dala ng kutsilyo ngunit ako ay nagantihan nya sabay tanong ng ‘anong gusto mo?’ Ako ay umaatras sana ngunit ako ay napahandusay na rin. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi na ako nagkaroon ng pagkakatain dahil ako ay nasaksak na”.

May tumulong ba sa iyo?

“Sa totoo lamang po, sila ay nagtakasan. Ang mga Pilipino ay natakot, marami ang mga kababaihan sa kanila na nagsisigawan”.

Gayunpaman, sa mga nakasaksi ng mga pangyayari, ang huling sagot ng biktima ay maaaring malaking katanungan o basihan ng isang pagmumuni para sa komunidad.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zendryll Asuncion Lagrana – “E’ nata una stella”

P25.4-B pork barrel, inilaan ng Kamara sa ilang kagawaran