in

“Higit na solusyon para sa mga imigrante, ramdam namin ang kanilang paghihirap” – Letta sa ONU

Binaggit ng Prime Minister si Pope Francis. "Iginagalang namin ang mga karapatang pantao, nilalabanan namin ang mga human trafficing, nakikipagtulungan kami sa mga countries of origin at transit countries"

Rome – 27 Set 2013 – Kailangang harapin ang national at international migration, na nakatutok sa kooperasyon. At ang igalang ang karapatan ng mga migrante ng hindi magmimistulang walang malasakit sa kanilang paghihirap.

Ito ang binitiwang pangako ni Prime Minister Enrico Letta ilang araw pa lamang ang nakakalipas sa United Nations General Assembly sa New York, sa pamamagitan ng pag-alaala sa “daang libong migrante sa buong mundo, isang penomena na parehong apektado ang industrialized countries at countries of origin”.

"Ang geographical position – paalala ng primo ministro – ay sanhi ng pagiging port of entry para sa libo-libong mga imigrante. Sa bansang Italya, ay iginagalang namin ang mga karapatang pantao ng mga migrante, at tinutuligsa ang mga kriminal na sangkot sa human trafficking. Kasabay nito ang promosyon sa pakikipagtulungang internasyunal sa mga bansang pinagmulan at mga transit countries”.

Ninais ni Letta na banggitin ang mensahe mula kay Pope Francis nitong nakaraang summer, sa kanyang pagbisita sa Lampedusa. "Siya ay nagdala ng mahalagang mensahe ng pag-suporta sa mga libo-libong mga migrante na dumadating doon taun-taon mula sa Africa. Kailangan nating labanang lahat ang tinawag niyang “insensitivity globalization” at damdamin ang paghihirap ng mga migrante na parang atin”.

At inaming kailangan ang higit na pagkilos sa national at international level – sa pagtatapos ni Letta – “ ipinagkakatiwala namin sa Second Summit ng High Level dialogue ukol sa Migration and Development na gagawin sa New York sa darating na October”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

L’Europa contro il razzismo, ecco la Dichiarazione di Roma

Halalan ng mga Consiglieri Aggiunti sa Roma, wala pa ring Regulasyon