in

Halalan ng mga Consiglieri Aggiunti sa Roma, wala pa ring Regulasyon

Ang mga imigrante ng Kabisera  ay dapat pumili ng kanilang mga Kinatawan sa taong ito, ngunit wala pa ring bagong panuntunan. Godoy: “Kailangang gawin ito sa lalong madaling panahon at palalimin at palawakin ang role ng Consigliere Aggiunto”

Rome – 27 Set 2013 – Sino ang mga magiging boses bilang kinatawan ng mga imigrante sa administrasyon, na magsusulong ng mga panukala at mga hinaing ng higit sa 200,000 ng mga dayuhang residente ng lungsod? Mga katanungang nananatiling walang kasagutan, ngayong lumipas na ang deadline na itinakda ng Comune na pinamumunuan ni Ignazio Marino upang gawin ang bagong panuntunan nito.

Hanggang sa ngayon, ang mga Kinatawan o mga Konsehal o ang kilalang Consiglieri Aggiunti na inihalal mismo ng mga imigrante ay nananatili. Apat sa Kapitolyo (Comune) at mayroon namang 19 sa mga Munisipyo, walang karapatang bumoto ngunit maaaring lumahok sa mga konseho at komisyon, upang ipahayag ang opinyon, magsulong ng panukala at ng mga resolusyon .

Unang nagkaroon ng halalan ng mga imigrante taong 2004, noong mayor  pa si Walter Veltroni. Muling nagkaroon ng eleksyon taong 2006 at nahalal sa Kapitolyo bilang mga Kinatawan ng mga imigrante sina Madisson Bladimir Godoy Sanchez, Victor Emeka Okeadu, Romulo Salvador Sabio e Tetyana Kuzyk.

Ang apat na mga Konsehal sa Kapitolyo (1 ang Pilipino), maging ang 19 sa mga Munisipyo (kung saan 8 ang mga Pilipino) ay nananatili sa katungkulan hanggang sa ngayon dahil isang extension ng administrasyon ng dating Mayor na si Gianni Alemanno ay naging hadlang upang pumili ng panibagong Kinatawan ang mga imigrante. Ito ay naging desisyon ng mayorya dahil diumano’y nais makatipid ng lungsod ngunit dahil sa pagnanais na ipagpatuloy ng administrasyon ang mahalagang rapresentasyon ng mga imigrante ay pinahaba ang panunungkulan ng mga Aggiunti, mula 2006 hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagkakahalal sa lungsod ni mayor Marino ay inaasahan ang mga pagbabago. Hindi lamang dahil sa napapaloob sa programa ng kasalukuyang mayor ang “itaguyod ang makabuluhang rapresentasyon ng mga dayuhang mamamayan sa Kapitolyo at mga Munispyo” na nananatiling mahalagang bahagi ng araw-araw sa proseso ng administrasyon.

Sa katunayan,  ang mga Consiglieri Aggiunti ay kinumpirma at muling nasasaad sa bagong Statute ng Roma Capitale, na ipinatutupad simula noong nakaraang March 30. Tulad ng mababasa sa artikulo 20 ay nasasaad na “ang halalan ay pinamamahalaan ng angkop na panuntunan, ginagawa makalipas ang bawat mandate, at samakatwid makalipas ang eleksyon ng mga organo ng Roma Capitale, sa loob ng parehong taon”.

Kabilang sa mga transitory provisions  ng Roma Capitrale ay matatagpuan na ang “Ang regulasyon o panuntunan sa eleksyon ng mga Consiglieri aggiunti ay nararapat na dumaan sa pagsusuri hanggang Sept. 15 2013”. Nangangahulugan na ang mga kasalukuyang Konsehal na imigrante ay manunungkulan hanggang sa pagkakaroon ng new elected counsilors at “hindi lalampas ng Disyembre 15”.

Lumampas na ang itinakdang petsa na Sept 15 tulad ng nasasaad sa Statute at tila malayo pa ang kaganapan ng pagkakaroon ng bagong panuntunan ng halalan nito. Bukod dito, hindi lamang nauudlot ang pagkakaroon ng regulasyon para sa halalan kundi pati ang komisyon na susulat, mag-aaral at susuri ng bagong regulasyon ay mabubuo pa lamang.

Samakatuwid ay nanganganib na tumagal ang aprubasyon ng bagong panuntunan gayun din ang inaasahang halalan bago matapos ang taong kasalukuyan. At dapat isaalang-alang na makalipas ang pagkakaroon ng bagong regulasyon, ay kailangang ipaalam ito sa mga imigrante, ang magkaroon ng mga kandidato, sapat na panahon para sa campaign period at itaguyod ang buong electoral machine; ang mga scrutineers, balota atbp.

" Kailangang mabilis na kumilos. Kaming 4 sa Kapitolyo ay patuloy ang pagkatok sa mga kinauukulan para sa bagong regulasyon, aming kinakausap ang bawat political group, aming kinausap ang mayor at vicemayor, ngunit mabagal ang kanilang mga sagot pati ang mga pagkilos” reklamo ni Madisson Bladimir Godoy Sanchez, ang kasalukuyang leader ng 4 sa Kapitolyo.

 "Kahit kami ay walanag karapatang bumoto  – dagdag pa ni Godoy – ang Consiglieri Aggiunti ay isang mahalagang figure. Hanggang sa kasalukuyan, ay naging tunay na social at cultural mediator sa pagitan ng administration at ng mga komunidad. Ang mga imigrante ay nangangailangan ng kasagutan sa lahat ng uri ng suliranin, na karaniwang ang mga konsehal ay nagiging daan upang mapagaan ang mga ito.

Budget? “Sa kasamaang-palad ay halos wala. Aming pinipili ang mga pinaka mahusay na proyekto para sa integrasyon – ayon sa Konsehal – ngunit sa kakulangan ng sapat na fund ay napipilitan kaming hindi ituloy ang mga ito. Kinakailangan ang isang permanent commission para sa integrasyon, na magiging isang mahalagang aspeto nito.

Samakatwid, upang ganap na maging makahulugan ang pagiging Consiglieri Aggiunti ay – kailangang palalimin at palawakin ang role ng mga Consiglieri Aggiunti, ngunit bago ang lahat ng ito ay kinakailangan ng mga imigrante sa Roma ang pagkakataong muling pumili ng kanilang Kinatawan.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Higit na solusyon para sa mga imigrante, ramdam namin ang kanilang paghihirap” – Letta sa ONU

John Paul II to Be Canonized April 27