in

Libreng Kurso ng Italian Language, Handog ng DGPII – Rome

‘Bukod sa mahalaga ang wikang italyano para sa integrasyon ng buong komunidad sa host country ay mahalaga rin itong paghahanda sa ngayon na maaari nang tanggaping magtrabaho sa pampublikong tanggapan ang mga non-Italians’.

Rome, Setyembre 30, 213 – Ito ang pangunahing layunin ng DGPII Dangal ng Guardians Phil. International Inc. Rome Chapter, sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), sa pagsasakatuparan ng proyekto ng libreng kurso ng italian language, ayon kay Judito  Estopacia, ang kasalukuyang Presidente ng DGPII Italy at VP ng EUROPE at tumatayong Direktor sa kurso. 

‘Isang napakalaking oportunidad talaga ang magkaroon ng kursong ito dahil liban sa natututo na, kinikilala pa mismo ng Ministero del Interno ang ‘certificato’ nito.  Bagay na magagamit ng sinuman na nag-aaplay ng Carta Soggiorno or Italian Citizenship,’ pagkumpirma pa ni Judito Estopacia.

Dagdag pa niya ang kursong Conoscenza delle lingua Italiana pari al «Livello A2» ay may  ‘QCR or Quadro Comune di Riferimento Europeo approvato dal Consiglio d’Europa.

Kaya hindi na mahihirapan ang mga nagtapos nito na ipakilala ang level ng kursong kanilang tinapos.

‘Isang karangalan ng DGPII Roma bilang isa sa mga asosyon na nabigyan ng mahalagang pagkakataon tulad nito’, ayon pa kay Judito o mas kilala bilang Bro FSRMG Angel ng kanyang mga kasamahan.

PARA MAGKAROON NG CERTIFICATE

‘May itinakdang Sixty Hours na presensya (60 ore di frequenza) ang bawat estudyante na nais makatapos at makapasa sa pag-aaral,’ paglilinaw ni Bro. Angel.

Nitong September 01 lamang may halos humigit kumulang na 65 students na ang sumusunod sa kurso. Hinati sila sa Batch 3 ng Morning Session at sa Batch 4 ng Afternoon Session. Ang klase ay ginagawa tuwing linggo sa Social Hall ng tanggapan ng Embahada sa Roma.

Inaasahan natin na sa tulong ng mga kwalipikadong tagapagturong Pilipino at Italyano, ang kursong ito para sa ating mga kababayan ay higit na magiging kapaki-pakinabang. At sa patuloy na pagsuporta ng mga institusyon, sa pakikiisa ng mga Guardians, ang libreng kurso para sa Conoscenza della lingua Italiana ay madadagdagan pa hanggang sa maraming batches ang makinabang.

ANG BATCH 6

‘Sa darating na ikatlong linggo ng Oktubre, bubuksan naman ang Batch 6 ng sa gayon ay makapag-aral din ang iba pang nais makinabang sa proyekto. Ito naman ay pamamagitan ng POLO DIDATICO’ kung saan kasalukuyang nagtatrabaho ang tumatayong direktor ng nasabing proyekto.  (EO)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

John Paul II to Be Canonized April 27

Razzismo sul bus: in 30 insultano e feriscono ragazzo peruviano