Magtataglay ng lahat ng datos ng may-ari, kabilang ang fingerprint. “Technological innovations at makabagong pamamaraan upang makasunod sa European model” – Interior Ministry
Rome, Nobyembre 11, 2013 – Ang electronic permit to stay, na kasalukuyang hawak ng halos lahat ng mga dayuhan sa Italya ay babaguhin. Magigng mas kumpleto at magtataglay ng lahat ng datos ng may-ari, kabilang ang fingerprint.
Ito ay nasasaad sa bagong dekreto ng Interior Ministry ukol sa “seguridad ng mga permit to stay”, inilathala sa Official Gazette noong nakaraang Nobyembre 6. “Makalipas ang opinyon ng European Data Protection Supervisor (EDPS) o Garante Europeo per la protezione dei dati personali (GEPD), ito ay tumutukoy sa mga serye ng inobasyon sa teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pagtutulad ng kasalukuyang uri ng permit to stay sa Italya sa European model”, paliwanag ng Interior Ministry sa isang note verbal.
Ang bagong permit to halos ay halos katulad ng kasalukuyan, kasing-laki ng isang credit card. Magtataglay ng isang microchip na contactless radiofrequency, at samakatwid ay maaaring mabasa ng sistema ng awtoridad sa kanilang pagko-kontrol sa pamamagitan ng paglalagay nito sa tabi ng isang apparatus o reader. Magtataglay sa memorya nito ng mga personal datas, biometrics (imahe ng mukha at fingerprints ng 2 daliri, karaniwang index), at ang mga pagkakakilanlan ng nasabing dokumento.
Ang mga personal datas at pagkakakilanlan ng permit to stay, kasama ng larawan ng nagmamay-ari, ay nasa database ng mga permit to stay sa Centro Elettronica Nazionale. Kung ito ay tumutukoy sa EC long term residence permit, ay mananatiling nasa memorya ito sa buong validity ng dokumento, para sa ibang uri ng permit to stay, ay mananatili ito ng halos 10 taon.
Sa parehong data base, ay mananatili rin ang mga fingerprints na mas may higit na pag-iingat. Sa katunayan, ito ay mananatili sa memorya, tulad ng mababasa sa note verbal “sa panahong kinakailangan para makumpleto ang administratibong mga pamamaraan para sa issuance o renewal ng permit to stay. "
Sa kablia nito, walang itinakdang petsa para sa pagpapatupad ng bagong electronic permit to stay. Maaaring dumaan muna ito sa isang experimental period sa 1 o higit na lalawigan, pagkatapos ay unti-unting ipatutupad sa natitirang bahagi ng Italya .