Spending your money should always be made with financial intelligence. Play it smart, do not be emotional.
Kalimitan nyo ba itong nakikita sa mga kwento ng buhay?
“Isang tao na mahirap sa Pilipinas, nagsikap magtrabaho sa abroad at naging OFW. Dahil sa sipag ay kumita ng pera at dahil dito ay nakapag-pagawa agad ng malaking bahay sa probinsiya at lahat ng ipon ay ginamit para mapaganda ang bahay. Biglang nawalan ng trabaho sa abroad at umuwi sa Pilipinas at hindi na makabalik. Napilitan na ibenta ang bahay dahil hindi matustusan ang maintenace na ito at bumalik sa pangungupahan.”
Maraming mga ganitong mga pangyayari ang naranasan ng ating kababayan dahil sa kakulangan sa financial intelligence o tamang paghawak at paggamit ng pera. Dahil ang personal financial management ay hindi tinuturo sa paaralan, ang mga kababayan nating OFW ay hindi nabibigyan ng tamang patnubay para i-manage at palakihin nila ang kanilang kita.
Sabi ni Robert Kiyosaki sa kanyang librong “Rich Dad, Poor Dad”, “Its not a matter how much money you make, its a matter of how much money you keep.”
Kakaunti sa atin ang may financial intelligence. Ang salitang “asset” at “liabilities” ay hindi karaniwang naririnig. Ang “asset” sa madaling salita ay mga pag-aari na naglalagay ng kita o income sa bulsa at ang “liabilities” ay mga bagay na nagiging sanhi ng “expenses“.
Sa pagbili ba ng bagay ay tinatanong mo ang sarili mo kung ito ba ay isang “asset” o “liability”? Kagaya ng kwento sa itaas, ang pagpapatayo ba ng iyong bahay ay isang “asset” o isang “liability”. Isa itong emosyonal na usapin sa ibang tao dahil ang pagbili ng bahay ay may kaakibat na personal na dahilan katulad ng: “dream ko kasi ang magkaroon ng sariling house”, “kailangan ko bumili ng magandang bahay para ipakita sa kanila na tagumpay ako” o “ang sarili kong bahay ay simbolo ng aking paghihirap sa abroad” at iba pa. Kung emosyon ang pagaganahin ng isang tao, ang aakalain niya ang isang bahay ay isang asset ngunit kung titingnan mabuti, ito ay pwedeng maging liability dahil patuloy kang gagastos dito sa pagpapaganda, taxes at maintenance na wala namang income na pumapasok sa iyo. Ang ganitong kaisipan ay hindi magbibigay sa iyo ng financial freedom at mananatili ka sa Rat Race o ang patuloy na buhay ng “utang-kita-bayad” na walang natitirang ipon.
Kung papaganahin ang financial intelligence, ang perang naipon ay pwedeng gamitin na pambili ng “asset” o ari-arian na kumikita ng income upang may pambayad para sa bahay na kung saan ito ay nagiging self-liquidating o asset na nagbabayad for another. Gaya ng kwento sa itaas, ang ipon sa pagtratrabaho ay pwedeng gamitin muna sa pagbili ng asset na nagbibigay ng income kahit hindi na nagtratrabaho ang isang tao para masustentohan ang kanyang liabilities. Kung uunahin mo ang pagbili ng bahay, marami ang mawawala sa iyo katulad ng oras na supposed to be magagamit sa pagbili ng asset na tumataas ang value, pagkawala ng capital na pwede mo magamit sa magandang negosyo at ang pagkakataon na mag-invest at matuto. Do not let your emotions control your decisions. Play it smart.
START BUILDING YOUR ASSET FOR YOUR FUTURE AND LEARN MORE ABOUT HOW TO USE THEM.
(by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online)