Patuloy sa pagpapalaganap ng ILO Convention 286 ng mga domestic workers. Isang layunin na pinangungunahan ng Italya.
Rome – Nobyembre 28, 2013 – Sa buong mundo tinatayang 53 milyong ang mga domestic workers, caregivers at babysitters, karaniwang mga migrante. Mga mangagagawang halos alipin ang turing sa ilang bansa. Upang sila ay maproteksyunan, isang pagkilos sa wakas, sa buong mundo.
Katapusan ng Oktubre sa Montevideo, Uruguay ay nagpulong ang mga kinatawan ng mula unyon buhat sa higit na 40 bansa sa buong mundo at nabuo ang International Domestic Workers Network ( IDWN ). Layunin nito ang ayusin ang sitwasyon ng mga domestic workers o kasambahay sa buong mundo, ang magkaroon ng mga awareness campaign ukol sa kanilang kundisyon at lalong higit ang ipaglaban ang kanilang karapatan.
"Kahit na ang mga domestic workers ay nagbibigay ng mga mahahalagang serbisyo para sa mga pamilya tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay at pag-aalaga sa mga bata, henerasyon na rin kaming biktima ng diskriminasyon at ‘exclusion’. Panahon na upang mahinto ang sitwasyong ito”, ayon kay Myrtle Witbooi, ang presidente ng IDWN, sa kabila ng mahaba pa ang panahong kinakailangan, ang mapait na katotohanan na alam ng lahat.
Ayon sa 'International Labour Organization’, halos 30% ng mga domestic workers ay nagta-trabaho sa mga bansa kung saan walang anumang karapatan kumpara sa ibang mga workers, tulad ng weekly day off, maximum hrs of work, minimum wage o ang pagbabayad sa over-time. Kahit pa, bahagyang sakop ng batas, ay patuloy na hindi sakop ng mga pangunahing panuntunan tulad ng minimum age para makapa-trabaho, maternity at social security.
Para sa maraming mga bansa, ang domestic job ay nabibilang sa impormal na uri ng trabaho, kung saan ang pamahalaan ay walanag anumang koneksyon. Bukod sa kawalan ng legal assistance, ang mga kasambahay ay umaasa din lamang sa awa ng mga employers, nakatago sa 4 na sulok ng bahay, pawang mga biktima ng pang-aalipin tulad ng di pagbibigay ng sahod, 24 na oras na trabaho at sa kasamaang palad karahasan at sekswal na pananamanta.
Upang malabanan ang mga sitwasyong ito, salamat sa pangunguna ng mga asosasyong bahagi ng International Domestic Workers Network ay nabuo ang ILO Convention 286 ukol sa disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon 189 na ipinatutupad simula noong nakaraang Setyembre 5. Ito ay nagsasaad na ang colf, caregivers at babysitters ay isang uri ng hanapbuhay na tulad ng iba at may karapatang ma-proteksyunan tulad ng lahat.
Ang 26 na mga artikulo ng Convention ay naghahayag ng mga konsepto ng tunay na kalagayan ng milyun-milyong mga kasambahay, maaaring malayo sa imahinasyon ng marami. Nagtatanggal, halimbawa, ng sapilitang trabaho at ng pagbibigay ng trabaho sa mga menor de edad, nagsasaad na ang trabaho ay dapat bayaran ng salapi, karapatan sa weekly day-off o ang pagiging bahagi ng isang unyon at maging ang pagbibigay ng minimum wage ng walang diskriminasyon batay sa kasarian.
Sa isa pang pagkakataon, ang Italya ay gising sa tema tulad nito: Ang Italya ay kabilang sa 10 bansa at una sa buong Europa na ipinagtibay ang kumbensyon. Isang hakbang na kinilala ng “Claim Rights” na inilathala ng Human Rights Watch sa okasyon ng Montevideo Congress, kasama ng increase at ng ibang mga pagbabagong tinataglay ng National Agreement on Domestic Job na pinirmahan ngayong taon ng mga unyon at mga asosasyon ng mga employers.
Hindi ito sapat, gayunpaman, upang huminto. Dahil kung sa Italya ay marami pang hakbang na dapat gawin para sa mga regular workers (hal sa maternity), ang tunay na laban ay matatagpuan sa irregular jobs, na sa sektor ng domestic job ay mayroong mataas na bilang at hindi nasasaklaw ng ILO Convention at hindi napapansin ng karamihan.
Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito?
Ano ang mga minimum na pamantayang itinakda ng Kumbensiyon Blg. 189 para sa mga kasambahay?
"Colf di tutto il mondo, unitevi!" È nato l’International Domestic Workers Network