5,560 na ang bilang ng mga nasawi at 1,757 pa rin ang kasalukuyang nawawala.
Manila, Nobyembre 28,2013 – Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tatlong linggo makalipas ang pananalanta ng Bagyong Yolanda, umabot na sa 5,560 ang bilang ng mga nasawi.
Tumaas naman sa 26,136 ang bilang ng mga sugatan habang 1,757 ang nananatiling nawawala.
Higit sa 3.5 milyon pa rin ang mga nasalantang nanunuluyan sa mga evacuation center .
Samantala, umabot na sa halagang P24,539,251,407.26 ang tinatayang halaga ng pinsala, kung saan mahigit P13 bilyon ang nasira sa imprastraktura at P11 bilyon naman ang sa agrikultura.