in

SICK LEAVE NG DOMESTIC WORKERS

Kung sakaling hindi makakapag-trabaho ang isang colf o caregiver dahil sa karamdaman, ay obligadong abisuhan o ipagbigay alam ito sa employer sa lalong madaling panahon, o bago ang oras ng simula ng trabaho, maliban na lamang sa pagkakaroon ng mabibigat na kadahilanan o hadlang.

 

 MEDICAL CERTIFICATE

• Para sa mga domestic workers na hindi naka- live in:
Kailangang mapatunayan ang karamdaman sa pamamagitan ng isang medical certificate hanggang sa sumunod na araw mula sa simula ng pagkakasakit. Ang certificate ay papatunayan ang sakit at nagtataglay ng bilang ng araw ng pamamahinga at pagpapagaling. Ito ay dapat na ibigay ng personal o sa pamamagitan ng registered mail sa employer dalawang araw matapos ang issuance nito. Patunay ang magiging timbro ng koreo.  

• Para sa mga domestic workers na naka-live in:

Hindi oblidago ang pagpapadala ng medical certificate maliban na lamang kung ito ay partikular na hiniling ng employer. Nananatiling obligasyon, gayunpaman, ang medical certificate kung magkakasakit sa panahon ng leave o bakasyon o sa panahong ang colf o caregiver ay wala sa tahanan ng employer. Ang certificate ay dapat na mapatunayan ang karamdaman at nagtataglay ng bilang ng araw ng pamamahinga at pagpapagaling. Ito ay dapat na ibigay ng personal o sa pamamagitan ng registered mail sa employer dalawang araw matapos ang issuance nito. Patunay ang magiging timbro ng koreo.

UPANG MAPANATILI ANG TRABAHO

Kung kailangang lumiban sa trabaho dahil sa sakit, ang colf o caregiver ay pinahihintulutang lumiban sa trabaho (sick leave) at mapanatili ang trabaho sa sumusunod na panahon lamang:

PANAHON NG SERBISYO

ARAW NG PAGLIBAN NA PINAHIHINTULUTAN

Hanggang 6 na buwan

(makalipas ang panahon ng pagsubok)

10

Mula 6 na buwan hanggang 2 taon

45

Higit sa 2 taon

180

 

PAALALA:

Ang palugit na nabanggit o araw na pinahihintulutan ang pagliban ay nadadagdagan ng 50% sa kaso ng mga cancer patient, na pinatutunayan ng ASL na kinabibilangan.

Kung ang worker ay lumampas sa panahong itinakda ng batas, batay sa panahon ng serbisyo, ay mawawalan ng karapatang mapanatili ang trabaho. Kung nanaisin, ang employer ay maaaring magpatuloy sa pagtatanggal sa trabaho (licenziamento per giusta causa).

Ang araw ng pagliban na pinahihintulutan upang mapanatili sa trabaho ay kinakalkula. Halimbawa, kung ang domestic worker ay nagkasakit ng Oktubre 2013, ang leave ay kinakalkula mula  Oktubre ng kasalukuyang taon hanggang sa Oktubre ng susunod na taon, hal hanggang 2014. Ang araw ng leave ay hindi mare-reset pagsapit ng Enero 2014 bagkus ay kakalkulahin hanggang Oktubre 2014. Simula lamang Nobyembre 2014, ito mare-reset at magiging 0 ulit.

Ang panahon ng pagsubok o prova at abiso ay nahihinto sa kaso ng pagkakasakit.

Ang SAHOD sa panahon ngsick leave

Ang employer ay kailangang bayaran ang colf o caregiver sa kabuuang panahong ipinag-trabaho kabilang ang sick leave, batay sa haba ng panahon ng serbisyo:

PANAHON NG SERBISYO

BILANG NG BAYAD NA ARAW SA TRABAHO SA PANAHON NG PAGKAKASAKIT

Hanggang 6 na buwan

 (makalipas ang panahon ng pagsubok)

8

Mula 6 na buwan hanggang 2 taon

10

Higit sa 2 taon

15

 

 

MAGKAKASUNOD NA ARAW NG PAGLIBAN SA TRABAHO

% NG SAHOD

Hanggang ikaltong araw

50%

Mula ika-apat na araw

100%

 

 Maliban na lamang sa pagkakaroon ng partikular na kasunduan sa pagitan ng employer at worker, ang sahod sa araw ng pagliban sa pagkakasakit ay maaaring mapalitan.

Ang domestic worker na naka-live in at karaniwang sakop ng kontrata ang board and lodging, kung sa panahon ng pagkakasakit ay wala bahay ng employer ay makakatanggap ng kapalit na kabayaran sa halip na board and lodging.

PAALALA:

Ang pagliban na hindi mapapahintulutan sa loob ng limang araw, at hindi mapapatunayan ang pagkakaroon ng mabigat na kadahilanan ng kawalan ng komunikasyon sa employer ay ituturing na pagbibitiw o pagre-resign sa trabaho ng worker

source: art 26CCNL 2013: Nuovo contratto collettivo del lavoro domestico

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: 70,000 aplikasyon maituturing na tagumpay

Knights of Rizal sa ika-107 Anibersaryo sa Firenze