in

Servizio Civile bukas sa mga kabataang dayuhan – Deadline sa Dec 16

Ang National Office for Civil Service ay sumunod sa naging hatol ng korte ng Milan at binigyan ng extension ang deadline para sa mga aplikasyon. Guariso (Asgi): "Isang mahalagang resulta, ngunit ang pagkakaroon ng carta di soggiorno ay di-makatwiran"

Roma, Disyembre 5, 2013 – Ang National Civil Service sa wakas ay tatanggap ng mga kabataang dayuhan .

Isang obligadong hakbang ang pahintulutan ang mga “dayuhang regular na naninirahan sa Italya” at “magbigay ng hindi bababa sa 10 araw na deadline” para sa pagsusumite ng mga aplikasyon, sa pamamagitan ng order of justice (o ordinanza del giudice) ni Fabrizio Scarzella sa National Office for Civil Service. Sa katunayan, noong nakaraang Nov 19, ang Korte ng Milan ay inilabas ang hatol bilang isang diskriminasyon ang paghingi ng Italian citizenship para sa mga naghahangad maging bolontaryo bilang requirements.

At makalipas nga ang ilang linggo ng paghihintay, sa website ng UNSC – Ufficio Nazionale per il Servizio Civile – ay inilathala ang "isang dekreto para sa extension ng deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para sa mga dayuhan”. Ang naging hatol ay tumutukoy sa “mga dayuhang regular na naninirahan sa Italya”, ngunit ang State Legal Advisory (o Avvocatura dello Stato) ay ninais na bugyan ng limitasyon ang naging hatol. Maaari, samakatwid, na magsumite ng aplikasyon ang mga kabataang walang Italian citizenship, may edad mula 18 hanggang 28, na nabibilang sa sumusunod na kategorya:

–          EU national

–          Non-EU nationals

–          carta di soggiorno holder

–          permit to stay for asylum holder

–          nagtataglay ng temporary protection status

Halos 15,000 ang kabuuang bilang para sa lahat, kasama ang mga Italians para sa iba’t ibang proyekto sa buong Italya. Ang mga naghahangad na dayuhang mag bolontaryo ay mayroong pagkakataon hanggang 2:00 ng hapon sa Dec 16 sa pagsusumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng certified email, koreo o maaaring personal na dalhin sa tanggapan, batay sa pamamaraang tinukoy sa public announcement gamit ang mga forms na inilathala sa website ng National Office for Civil Service.

"Ito ay isang mahalagang hakbang. Sa wakas ay tinuldukan ang isang diskriminasyon: ang mga kabataang hindi pa Italyano, na naninirahan sa bansa, ay maaari ng lumahok sa mga solidarity projects bilang boluntaryo at makakasama ng mga kabataang Italyano”, ayon sa abugado ng Asgi at APN Onlus Alberto Guariso, mga asosasyon na nagsulong ng apila sa Milan ng 4 na anak ng mga imigrante.

Sa nakaraang dalawang taon ay tila napakalayo ng tagumpay na ito kahit na isinulong ang isang natutulad na apila. Gayunpaman, bigay-diin ng abugado, kahit sa pagkakataong ito ay hindi ganap na ipinatupad ang hatol ng Korte.

“Gayunpaman, ang limitasyon nito sa mga kabataang non-EU nationals na nagtataglay lamang ng EC long term residence permit – paalala pa ni Guariso – ay hindi makatwiran. Ito ay nagtatanggal ng karapatan sa maraming kabataang regular na nininirahan sa Italya, at ganap na naabot ang integrasyon, na maaaring walang carta di soggiorno dahil sa ang mga magulang ay hindi nag-aplay nito”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lutong Pinoy ng Cucimondo para sa biktima ng bagyong Yolanda

“KARATE IS MY WAY OF LIFE” – BERN