Ako ay naninirahan sa Italya 3 taon na at nagsimulang mag-trabaho bilang domestic worker. Kailangan kong i-renew ang aking permit to stay at aking hiningi ang kopya ng contratto di soggiorno sa aking employer. Ayon sa kanya ay hindi na obligado ang pagkakaroon ng dokumentong ito. Paano ko po mapapatunayan sa Questura ang pagkakaroon ko ng trabaho?
Roma, Disyembre 9, 2013 – Ang form Q ng contratta di soggiorno ay pinalitan ng Denuncia del Rapporto di lavoro domestico na ginagawa sa Inps.
Sa pagsisimula ng trabaho ng isang imigrante, ang employer ay obligadong ipaalam ito sa tanggapan ng Inps 24 oras bago simulan page-empleyo. Sa nabanggit na komunikasyon (o denuncia) ay parehong nasasaad ang mga datos ng employer at worker pati ang kundisyon sa trabaho, gayun din ang deklarasyon ng employer ukol sa pabahay at ang tungkulin ng employer sa pagbabayad ng anumang gastusin sa pagpapa-uwi sa worker sa sariling bayan nito kung kakailanganin.
Sa pamamagitan ng komunikasyon ito, ang employer ay ginagampanan ang lahat ng obligasyon ng pag-uulat sa mga tanggapan pati sa social security. Sa katunayan, ang nasabing form ay balido rin para sa Inps, Inail, Ministry of Labor at Prefecture, at dahil dito ang resibo buhat sa website ng Inps, matapos ang pagpapadala ng komunikasyon ay pinapalitan ang modello Unilav.
Samakatwid, kung ang colf ay magre-renew ng permit to stay para sa subordinate job ilalakip lamang ang kopya ng resibo ng komumikasyon o denuncia del rapporto di lavoro domestic na ginawa ng Inps, kasama ang ibang dokumentasyon, na ipapakita at magpapatunay ng pagkakaroon ng regular na trabaho.