Pangunahing layunin ng Foreign Women Cancer Care project, partikular sa mga Filipina at mga Chinese, ang empowerment ng mga kababaihang dayuhan sa Roma upang higit nilang pangalagaan ang sariling kalusugan.
Roma, Enero 3, 2014 – Opisyal na inilunsad noong Dec 19 ang Foreign Women Cancer Care project sa Ospedale Generale “San Giovanni Calibita” Fatebenefratelli Isola Tiberina, Roma.
Ang Foreign Women Cancer Care ay isang health network upang mapadali ang cancer prevention at treatment sa mga kababaihang dayuhan.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng I.F.O. Isituto Fisioterapici Ospitalieri di Roma, AIMAC Associazione Italiana Malati di Cancro, Ospedale San Giovanni Calibita Fatebenefratelli di Roma at ng Caritas di Roma (CRS), sa pakikipagtulungan ng Centro per la Pastorale della Salute del Vicariato di Roma, pinondohan ng Ministry of Interior bilang bahagi ng Fei o Fondo Europeo per l’integrazione di cittadini di paesi terzi.
Pangunahing layunin ng Foreign Women Cancer Care project, partikular sa mga Filipina at mga Chinese, ang empowerment ng mga kababaihang dayuhan upang higit nilang pangalagaan ang sariling kalusugan. Gayun din, na gawing mas madali para sa kanila ang pagtanggap ng cancer prevention and treatment program.
Sa paglulunsad ay ipinaliwanag ni Prof. Francesco De Lorenzo mula sa AIMAC ang kahalagahan ng proyekto. “Sa tulong ng cultural mediator, kasama ang psychologist na sasalubong sa mga information desk ay magiging madali ang bawat hakbang ng programa. Mula sa pagpapa-schedule ng paptest o ng mammogram hanggang sa pagkuha ng mga resulta nito ay kaagapay ang mga espesyalista. Hindi na magiging balakid pa ang italian language”, ayon kay Prof. De Lorenzo.
“Higit na subaybay naman mula sa mga oncologist kung sa kasamaang palad ay matutuklasang kakailanganin ang mas malalim na pagsusuri matapos ang mga check-up”, dagdag ni Dott. Daniela De Berardinis, ang coordinator ng psychology department ng Fatebenefratelli.
Bukod dito, gamit ang SSN card ay maaari ring magpabakuna (HPV) laban sa cervical cancer.
Kabilang sa mga naging panauhin si OWWA Rome Welfare Officer Loreta Vergara. Bukod sa pasasalamat sa makabuluhang proyekto ay inaasahan niya ang mainit pagtanggap ng komunidad at ang magiging tagumpay ng proyekto.
Samantala, sa mga Pilipina na nagnanais ng free check-up, narito ang schedule ng information desk hanggang June 2014.
Ospedale Generale “San Giovanni Calibita” Fatebenefratelli – Isola tiberina
Huwebes ng hapon 13.00 -15.00 at Biyernes 11.00-13.00 .
Tel no: 06.683.72.21.
Istituto Nazionale Tumori Regina Elena – Via Elio Chianesi
Miyerkules at Biyernes 10.00-13.00
For appointments, tumawag lamang sa 06.526.633.33 .
Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on sa www.foreignwomencancercare.it