Ang pagdiriwang ng Pasko, maging sa pamamagitan ng awitin, ay nangangahulugan ng pagmamahalan at pagbibigayan at ito ang natatanging layunin ng ginawang pagdiriwang.
Roma, Enero 7, 2014 – “Puso sa Pasko”, ito ang titolo ng Christmas benefit concert na ginanap noong Dec 22 sa Teatro Aurelio Roma. Ito ay nagtanghal din ng awiting “Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko” isang station ID 2013 ng kilalang TV network sa Pilipinas na matagumpay namang sinoportahan ng mga Pilipino sa buong mundo, at isa na dito ang Rome.
Tinatayang aabot sa 40 ang mga local singers sa benefit concert. Kabilang sina Ireneo Rivera, Roland Gunda, Ace Acevedo,Marion Guinto, Kim Christian Reyes, Enrico Garcia, Mark Oliver Tabirao, Malou Relacion, Maricel Bihis, Analee Rafanan, Justine Almoite, Donna Mae Ulan, Swellen Dimapasoc at marami pang iba sa gumawa ng Roman version ng kilalang awitin.
Bukod sa kilalang station ID ay naghandog din ng kanya-kanyang awiting pamasko ang mga singers.
Sa pakikipagtulungan ng mga organizers ng nasabing concert na sina Swellen Dimapasoc, Mark Oliver Tabirao, Benjamin Vasquez Barcellano Jr., Robert Jacinto, William Binasa Jr at Roland Prudencio, buong pusong ipinagkaloob ang makukuhang donasyon sa Sagip Kabayan Foundation ng Hawak-Kamay Foundation. Sa katunayan, buong puso ang pasasalamat ni Marilyn Villagarcia, ang chairperson ng nasabing proyekto.
Makabuluhan ang naging obserbasyon ni Stefano Romano, ang kilalang photographer na Italyano na may pusong Pilipino, sa kanyang naging personal na karanasan sa pananatili sa Pilipinas kaugnay sa dugong mang-aawit ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo:
"Quando andai in Filippine, io sono stato in Ilocos Norte, a Payaas, vicino Burgos, un piccolo villaggio di pescatori. Quello che più mi colpì fu il fatto che in alcune case, anche se spesso diroccate, capanne in muratura, dove le persone spesso dormivano per terra, c'erano dei grandi juke-box che funzionavano da karaoke, dove le famiglie del villaggio si trovavano la sera a cantare e bere birra fino a notte inoltrata. Questo non l'ho mai dimenticato, ed incarna la passione per il canto e un profondo aspetto dell'anima del popolo filippino, che poi ha generato fenomeni come Charice Pempengco”.
Ang pagdiriwang ng Pasko, maging sa pamamagitan ng awitin, ay nangangahulugan ng pagmamahalan at pagbibigayan at ito ang natatanging layunin ng ginawang pagdiriwang. (Stefano Romano at Pia Gonzalez)