in

“Mas kaunting entries mula sa ibang bansa, trabaho sa mga nawalan ng trabaho sa Italya” – Ministry of Labor

Sa 3-year guideline 2014-2016, ang Ministry of Labor ay binanggit rin ang imigrasyon, mula sa epekto ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya.

Roma, Enero 27, 2014 – Paalam maxi decreti flussi. Maaaring (sa lalong madaling panahon) ay mas kaunting entries mula sa ibang bansa ng dayuhang manggagawa at mas higit na atensyon sa mga manggagawang nasa bansang Italya na nawalan ng trabaho.

Ito ang mungkahi ni Minister of Labor Enrico Giovannini sa triennium guideline 2014-2016, na nagpapaliwanang kung paano kikilos ang Ministry sa susunod na 3 taon at nagtapos sa ilang serye ng mga rekomendasyon sa pamamahala sa imigrasyon.

"Kabilang sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya – sulat ni Giovannini – ay tiyak na isinasaalang-alang ang malaking pagtaas sa bilang ng mga dayuhan na nawalan ng trabaho, na nagdudulot ng suliranin sa pamilya at sa sahod at sa mas malawakang pananaw, sa pagbigat ng social integration sa host community”.

Una sa lahat, hindi malawakang bubuksan ang frontier. “Isang partikular na pagsusumikap ay kailangang gawin ng Public Administration upang magtakda ng mas mapiling programa ng pagpasok sa bansa para sa trabaho, gawin itong mas maliit sa bilang ngunit mas kwalipikado at mas nauugnay sa tunay na job demand.

Kailangang tugunan sa mas epektibong paraan ang emergency sa kawalan ng trabaho. “Kailangan ang mas konkretong aksyon upang lumahok ang mga manggagawang dayuhang walang trabaho sa programa ng politika sa paggawa upang mapadali ang kanilang reintegration sa labor market". Partikular ang hinihinging atensyon ni Giovannini para sa mga mas mahihina, “refugees, humanitarian o international protection seeker”. 

Bilang pagwawakas, kailangang ipagpatuloy ang pagkilos para sa integrasyon. Ang Ministry ay kailangang palakasin ang pakikipagtulungan sa mga institusyon, mga Rehiyon at lokal na awtoridad at mga asosasyon para sa welfare, upang gawing mas epektibo ang mga aksyon para sa integrasyon sa trabaho at lipunan ng mga dayuhang manggagawa".

"Partikular na atensyon- pagtatapos sa guidelines – ay dapat na ibigay sa pagpapatatag sa sistema ng proteksyon ng mga unaccompanied minors, na ipinatupad sa lahat ng mga pampubliko at pribadong awtoridad na nauugnay dito. "

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione para sa mga imigrante, ipinagpaliban muli!

Anak ng mga irregulars, enrollment sa paaralan pa rin!