in

P1.3-B ng Marcos Swiss funds, naibalik sa pamahalaan ng PCGG

Aabot sa US$29 milyon o mahigit P1.3 bilyon ng tagong yaman ni dating Presidente Ferdinand Marcos sa Singapore ang nakuha ng PCGG.

Pebrero 12, 2014 – Narekober na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang tagong yaman ni dating Presidente Ferdinand Marcos sa Singapore na tinatayang aabot sa US$29 milyon o mahigit P1.3 bilyon.

Inihayag ni PCGG Chairman Andres Bautista kaninang umaga na naibalik na sa pamahalaan ang US$20.2 milyon at 5.3 milyong pounds sterling dahil nai-remit na ito ng komisyon sa Bureau of Treasury noong nakaraang Pebrero 5 at 10, 2014.

"These amounts collectively are around approximately 29 million US dollars or over 1.3 billion pesos. These recovered amounts form part of the Swiss bank accounts of former President Ferdinand Marcos and his family that were ordered forfeited by the Philippine Supreme Court in 2003 but which were held up in litigation in Singapore since then," ayon kay PCGG Chairman.

Matatandaang ipinag-utos ng Federal Court of Switzerland noong 1997 na maaari lamang mailipat sa Republika ng Pilipinas ang mga secret accounts sa Swiss banks ng mga Marcos sa ilang kondisyon:

– isalin ang pondo sa "AA" banks

– ang pinal na desisyon ng Supreme Court sa usapin

– ang escrow arrangement o ang pangangasiwa ng isang third party sa pagsasalin ng pondo.

Naglabas ng desisyon ang SC noong Hulyo 2003 at ang Philippine National Bank naman ang naging escrow agent ng Republika.

Ngunit dahil walang AA banks sa Pilipinas, ay kinailangang ilagay ang pondo sa 2 accounts sa WestLB sa Singapore, ayon pa kay Bautista.

Disyembre 30, 2013 ay kinilala ng Singapore Court of Appeal ang Singapore High Court decision sa legalidad ng PNB bilang trustee ng republika.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, namatay makalipas isang oras ng panganganak

Joseph Pansoy, ang Pinoy Taekwondo Instructor sa Empoli