in

Joseph Pansoy, ang Pinoy Taekwondo Instructor sa Empoli

Hindi naging hadlang para kay Joseph Pansoy ang hirap at pagod upang ipagpatuloy hindi lamang ang hilig sa sport bagkus pati ang maging instructor ng Taekwondo sa Empoli. “Pag may tiyaga, may nilaga”, ika nga…

Empoli, Pebrero 12, 2014 – Tubong Maynila at lumaki sa Pangasinan, si Joseph ay dumating sa Italya taong 1997. Nanirahan una sa Roma hanggang 2006 kasama ang dalawang anak na lalaki, 14 at 12 anyos. Lumipat sa Empoli taong 2006 kung saan ganap na nakamit ang pangarap.

Bata pa lamang, ay hilig na ni Joseph ang martial arts sa katunayan ay madalas nyang panoorin ang mga pelikula ni Jacky Chan at Bruce Lee. Third year college sa B.S. Nursing ng ganap na simulan ni Jospeh ang mag-aral ng martial arts. Bagaman labag sa kalooban ng mga magulang ang kinahihiligang sports ng anak, ay nagpatuloy si Jospeh at makalipas ang isang taon lamang ay natanggap ang inaasam na kauna-unahang Black Belt sa Taekwondo taong 1993 (sila ang mga unang Taekwondo students sa Region 1). Kasabay nito ay natanggap ni Joseph ang mahahalagang parangal sa larangan: Silver medal taong 1993 sa National PRISAA (Zamboanga City); Gold medal taong 1994 sa Palarong Pambansa (Cebu City); Bronze medal sa taong 1994 sa Philippine National Games (Manila); Silver Medal taong 1994 sa National Interschool (Manila); Silver medal taong 1995 sa Philippine National Games (Manila). Si Joseph din ang naging headcoach sa mens division ng region 1 mula 1994-1997.

Taong 1995 ay ganap na naging nurse si Joseph at pagkatapos ng kanyang graduation ay tinanggap nya ang offer na magturo ng Taekwondo sa Physical Education Classes sa kanyang unibersidad.

Higit na sahod at mas magandang kinabukasan ang hangad ni Joseph para sa pamilya. At tulad ng karamihan ng mga ofw ay nilisan ni Joseph ang Pilipinas. Mabilis namang nasabak bilang part-timer na colf si Joseph pagdating ng Italya taong 1997.

“But i spend my time specially during Sunday morning to go jogging and self training in ‘Villa Pamphili’ then i decided to train again to a Taekwondo gym in 2000.  After 4 months, i stopped because of my work, 10 hours a day from Monday – Saturday as a part-timer at kung minsan 3 ang amo ko sa isang araw, pero nagpatuloy pa rin ang self-training ko when i have free time”, kwento ni Jospeh sa Ako ay Pilipino.

Paglipat sa Empoli ng 2006, “one of the first thing i did was to find a Taekwondo gym in Empoli”, dagdag pa ni Joseph.

Hindi naging hadlang ang distansya ng pinakamalapit na Taekwondo gym na matatagpuan sa Firenze, 30 km mula Empoli, upang muling ipagpatuloy ang nakahiligang sports. Makalipas ang 8 oras na mabigat na trabaho bilang colf sa Empoli ay nagte-treno pa papuntang Firenze si Joseph.

Ngunit di naglaon, ang kasabihang “Pag may tiyaga ay may nilaga” ay napatunayan ni Joseph. Nakilala nya ang Taekwondo President sa Toscana na tumulong sa pagbubukas ng Teakwondo gym sa Empoli.

Ilang buwan ang makalipas ay lumahok si Joseph sa taekwondo tournament sa Lignano Sabbia D'oro, ang "European Master Games" (over 35) isang competition na ginagawa tuwing 4 na taon, kung saan natanggap ang silver medal. Sa katunayan, ay kabilang din si Joseph sa taekwondo team ng Toscana region.

“In fact in November 2012 i represented Toscana in the Italian National Taekwondo Poomsae championships held in Caserta and won the Silver Medal. Last December 2013 i joined again the Italian National Taekwondo Poosae Championships held in Arezzo where i won the Gold medal!”, pagmamalaking dagdag ni Joseph.  

Naging ganap at opisyal na Teakwondo instructor si Joseph taong 2012 matapos ang kursong “Corso per Allenatori”. Ang mga unang istudyante ni Jospeh ay mga Pinoy kids lamang, kabilang ang 2 anak, ngunit sa kasalukuyan ay kalahati ng kanyang mga tinuturuan ay mga Italians.

Ang panganay na anak, si Jhozua, ay kasali na rin ngayong Pebrero sa Italian National Cadets championships (12-14 yrs old).

Kasabay ng tagumpay na ito, ay ipinagpatuloy pa rin ni Joseph ang kanyang trabaho. Dito ay ginantimpalaan din si Joseph at naging “responsabile” sa paghahawak ng 30 operai sa isang malaking kumpanya ng cornetto (croissant). (PG)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

P1.3-B ng Marcos Swiss funds, naibalik sa pamahalaan ng PCGG

Love at first strike! Saksi ang bowling lanes!