in

Sinagtala Band, sa isang concert for a cause!

'Sinagtala, kumakatawan sa liwanag para sa mga magagandang layunin nito para sa mga kabataan'.

Rome, Pebrero 21, 2014 – Matagumpay na ginanap ang Sinagtala Band: Concert for a cause nitong Pebrero sa Teatro Vigano, Roma. Dinaluhan ang pagdiriwang ng higit sa 700 katao, karamihan ay pawang mga kabataan.  

“Layunin ng konsyerto ang muling buhayin at muling itanim sa mga kabataan sa Italya at buong Europa ang kahalagahan ng mga awitin ng bansang Pilipinas”, ayon kay Criselda Noces, ang vocalist ng banda.

Sa katunayan, ang Sinagtala para sa mga bumubuo ng banda  Criselda Noces, ang vocalist; Effren Miranda ang lead guitarist; Romel Bartolome ang base guitarist; Christian Atog ang pianist; Mel Cruise ang acoustic guitarist; Jimmel Loyola ang violinist; Jhun acoustic guitarist; Raimond ang drummer at Grace sa second voice– ay kumakatawan sa liwanag para sa magagandang layunin nito para sa mga kabataan.

Layunin din ng ginanap na konsyerto ang maipagpatuloy ng grupo, kasama ang ilang grupo ng mga kabataan, ang regular na pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi malapit sa Termini.

Naging panauhin ang mga nangungunang dance groups sa Roma tulad ng Vyrus, Krewayz, Fmc at Mavaj.

Naging special guests din sina Jaya Marie Sto Doming, Broth Us Move or 'BUM', Warriors, Filipina Model candidates, Mr. Bachelor 2014 candidates, Jhon Macalalad ( beatboxer ), Hannah Thea Tancio, Reanna, Kayla, Mj, Maricel, Tahjack Tikaz at iba pang kilalang local artists.

“Ibang klaseng concert ito: unique sya na hindi simpleng banda lang , habang may tumutugtog may sumasayaw na back up”, masayang kwento ng mga dumalo sa concert.

“Ang unang concert ng Sinagtala ay ginawa sa Firenze sa Teatro Reims last October. Naging successful din ang concert na ito at umabot sa 600 ang mga dumalo”, masayang kwento ni Paolo Noces.

Inaasahan ng grupo ang mga susunod pang konsyerto tulad sa Barcelona, Spain sa taong kasalukuyan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unibersidad – Hanggang March 11 ang pagpapatala sa entrance exam ng mga quota course

Matteo Renzi, pinakabatang PM ng Italya at Europa