in

Destinazione Italia para sa mga researchers, highly qualified workers at universitarians

Upang makaakit ng mga ‘genious’ mula sa ibang bansa, ay binago ang Testo Unico sull’Immigrazione. Ang Ministry of Interior at Labor, ay ipinaliwanag kung paano. I-download ang circular.

Rome – Marso 24, 2014 – Ang decreto Destinazione Italia na naging batas noong nakaraang Pebrero, ay naghahangad na gawin ang Italya na higit na kaakit-akit para sa mga matatalinong dayuhan.

Ang ilang panukala ay tila “delayed”, tulad ng pagpapadali sa pagbibigay ng entry visa at ng permit to stay na kailangang tapusin ng gobyerno, ngunit mayroon ding pagbabago sa Testo Unico sull’Immigrazione na  ipinatutupad na. Ang lahat ng ito ay ipinakita sa consolidated circular ng Ministry of Labor at Interior.

Una sa lahat, pinapadali ng batas ang pagpasok para sa scientific research, na ipinatutupad na dahil ito ay hindi sakop ng decreto flussi taun-taon, batay sa mga kasunduan sa pagitan ng researcher at ng research entity. Simula sa ngayon, ang idineklarang monthly resources sa kasunduan ay maaaring manggaling di lamang sa research institute ngunit maging sa financial support din ng EU, ng isang international organization, ng ibang research institute o ng isang foreign entity".

Pagpapadali rin sa family reunification ng mga researchers: upang ma-petisyon sa Italya ang kanilang pamilya at hindi kailangang isumite ang dokumentasyon ukol sa pagkakaroon ng angkop na tahanan o ang idoneità allogiativa. At hindi kinakailangang sumailalim sa italian language test para sa kilalang EC long term residence permit o carta di soggiorno.

Ang iba pang pagbabago ay ukol sa pagpasok at paninirahan sa Italya ng mga highly qualified workers, kung kanino nakalaang ibigay ang tinatawag na carta blu.

Kabilang sa mga kinakailangan, ay ang "diploma sa higher education buhat sa awtoridad sa bansa kung saan ito ipinagkaloob na nagpapatunay ng pagkumpleto na kahit 3 taon” at “ang vocational qualification”.

Bago ang susog sa decreto destinazione Italia, ay nasasaad ang “kaukulang mataas na kwalipikasyon”. Ang diploma sa higher education ay hindi na obligasyon dahil sa vocational qualification. Samakatwid ay hindi na obligado ang worker – paliwanag ng circular – na kunin ang compliance certificate (certificazione di conformità) buhat sa Ministry of Education, of University and Research at sapat na ang dichiarazione di valore ng nasabing diploma, na dapat gawin sa Italian embassy sa sariling bansa ng dayuhan”.

At binigyang diin sa batas, habang noong una ay isang interpretasyon lamang ang nilalaman ng circular, na ang bawat masteral ay magpapahintulot sa conversion ng permesso di soggiorno per studio sa permesso per lavoro (kung mayroong pagkakataon) o per attesa occupazione. Noong una ay pinahihintulutan lamang para sa conversion ang mayroong second master degree.

At bilang pagtatapos, sa circular ay ipinapaalala ang pagtatanggal sa yearly decree na nagtatalaga ng maximum number ng mga entry visa at ng permit to stay upang maka-access sa pag-aaral sa unibersidad ng mga dayuhang mag-aaral na residente sa ibang bansa. Isang uri ng decreto flussi na ang quota, sa katunayan, ay higit na mas marami ang nagnanais na mag-aral.

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino community sa Modena, sangkot sa anomalya sa primary elections ng PD

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SORE THROAT