Ulat ukol sa access ng mga dayuhan sa loan. Capecchi (CRIF): “Instrumento ng integrasyon at mahalagang oportunidad ng business sa sektor”
Rome – Marso 26, 2014 – Mula sa pagpalit ng telebisyon o sa pagbili ng bahay hanggang sa pagsisimula ng isang negosyo, ang mga migrante ay patuloy na nagiging kliyente ng mga banko at mga financial agencies. Sa katunayan, ang 11% ng loan application sa taong 2013 ay mula sa mga dayuhan. Ito ay ayon sa “Rapporto sulla domanda di credito da parte di cittadini non Italiani”, ginawa ng CRIF batay sa loan request sa loan information system ng 2013.
Noong 2012, sa katunayan, ang porsyento ay mas mataas, 11.9 %, at kinukumpirma nito na ang krisis sa ekonomiya ay nagtutulak sa mga imigrante na bawasan ang konsumo o ang ipagpaliban ang pag-iimpok sa mas angkop na panahon. Nangungunang komunidad ang mga Romanians (21,1% ng kabuuan kumpara sa 21,6% noong 2012), sinundan ng mga Albanians (5,9% ng kabuuan), Moroccans (5,4%). Sinundan ng mga Germans, mga Pilipino at Swiss (lahat ay halos 4%) at ang Peruvians (2,9%). Ang ulat ay tumutukoy din sa iba’t ibang uri ng loan.
Ang mga migrante sa taong 2013 ay nagpapakita ng higit na paglapit sa personal loan (40,3% kumpara sa 28,4% ng mga Italians), mas mataas kaysa sa utang para sa mas mahalagang layunin (34% kumpara sa 37,6%) at sa house loan (3,2% kumpara sa 5%).
"Ang permanenteng paninirahan ng mga dayuhang mamamayan sa ating bansa ay nagiging sanhi ng pangangailangan ng pag-access sa iba’t ibang uri ng bank loan, na lumilikha naman ng mahalagang oportunidad ng business sa sektor na nagsimula na ang pagdami ng mga kliyente at ang pagpapabuti ng iba’t ibang produkto”, komento ni Simone Capecchi, ang director sa Sales & Marketing ng CRIF.
“Ang loan – dagdag pa nito – ay isa sa mga pangunahing dahilan ng social and economic integration ng mga mamamayang galing sa ibang bansa, na pinili ang bansang Italya para sa kanilang proyekto sa buhay at ang pananatili sa ating bansa sa kabila ng mga uncertainties dahil sa kahinaan ng ekonomiya, na sa huling taon ay naging sanhi ng pag-uwi sa sariling bansa ng maraming migrante”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]