in

One Voice, One Action – FEDERFIL-ITALY

Roma, Abril 2, 2014 – Mahabang panahon din ang nagdaaan at maraming pag-aaral ang naganap upang tuluyang mailunsad ang samahan ng mga nagkakaisang asosasyon, organisasyon at mga mananampalatayang Pilipino  dito sa Roma. 
 
Sa pamamagitan ng isang panawagan ay nagdaos ng isang pagpupulong ang mga lider ng nabanggit
na mga grupong binubuo ng 27 samahan, upang pagtibayin ang Constitution and Bylaws ng Federation noong ika-22  ng Setyembre, taong 2011. Sa naturang okasyon, ang mga pinunong  kumakatawan  ay napagkasunduan na magdaos ng Halalan. 
 
Sa nasabing Halalan, napili ng mga dumalong lider o punong kumakatawan na maging una o Founding Officers  ng  Federation of Filipino Communities and Associations in Rome, Italy 
(FEDERFIL-ITALY) sina Francis Buangjug  (Chairman), Ariel Asis Lachica  (Vice Chairman), 
Auggie Cruz (Sec Gen), Rhomie Ramos (Treasurer) at Lito Viray (Auditor).
 
Kumakatawan naman bilang unang mga Direktor sina Rey Cabral, Benjo Eclarin, Jerry Benjamin,
Pat Dimaano, Jessy Ramirez at Jhun Landicho.Tumatayo naman bilang mga Tagapayo o Advisory Board sina Atty. Jose Abenir, Rey Maas, Nick Calbay, Efren Estrella, Efren Tila at Carlito Sernicolas.
 
Pinangunahan  ng ating mga Kgg. Ambassador  the Mercedes Tuason ng  Embassy of Philippines to the Holy See at Ambassador Virgilio Reyes  ng Embassy of Philippines to Italy ang panunumpa  ng mga nasabing halal na Opisyal sa simbahan ng Ss. Crucifisso na  matatagpuan sa Via Bravetta 332.
 
“One Voice, One Action”  ang salitang pinaninindigan ng mga kasapi ng Federation.
Sa  lumipas na dalawang taon, sari-saring proyekyo ang nagampanan ng Samahan na nakatulong at naging kapakipakinabang sa ating mga kababayan dito sa Roma, ganoon din sa ating bansa sa panahon ng mahigpit na pangangailngan lalung-lalo na sa mga biktima ng kalamidad. 
 
Ilan sa mga mahahalagang kaganapan na masasabing  matagumpay na napamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaisa ay ang mga sumusunod;
1. Benefit Concert of Angeline Quinto at Jovit Baldovino
2. Medical Mission  sa Sentro Pilipino sa pakikiisa ng Filipina Nurses Association (FNA)
3. Medical Mission and Other Services  sa Mother of Divine Grace Filcom  sa Via Bravetta
With Optical & Hearing Free Check-up  sa pakikipag-ugnayan ng ating Treasurer, Mr. Rhomie Ramos sa mga kaibigan nating Italian Doctors & Specialists.
4. Ang  hindi malilimutang  pagtulong sa ating mga kababayang Seafarers na kabilang sa Naufragi (Shipwreck) ng Costa Concordia na kung saan nagbigay tayo ng mga damit, sapatos, pagkain atbp.
5. Pinangunahan din ng ating Samahan ang paggabay sa  mga Filipino at Foreign Pilgrims sa Canonization ng Ika-2  Pilipinong Santo, S. Pedro Calungsod.
6. Pagkalap  at pagpapadala ng tulong Financial sa mga biktima ng kalamidad (Lindol sa Bohol at Bagyo at Baha sa Leyte).
 
Makalipas  ang ikalawang matagumpay na taon, patuloy ang ginagawang paglilingkod ng pamunuan
sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga isyung napapanahon. Para sa taong 2014-2015, muling nag- halal ng bagong Opisyales ang mga kasapi nito, kasabay ang pagbabago ng pangalan ng Samahan dahil sa paglago at paglawak nito ng nasasakupan at ito ay tinawag na  “Federation of Filipino Communities and Associations in Italy”
 
Ang kasalukuyang pamunuan ay binubuo ng mga bagong halal na mamamahala sa susunod na dalawang taon;
 
Ariel Asis Lachica- Chairman of the Board
Rey Cabral- Vice Chairman of the Board
Auggie Cruz- Secretary General
Rhomie Ramos – Treasurer
Benjo Eclarin – Auditor
 
Ang Mga Bagong Direktor naman ay ang mga sumusunod;
 
Tess Pantaleon- Finance and Ways & Means
Lito Viray – Legal Affairs
Joel Resurrecion – Service and Peace & Order
Toto Renoblas – Research and Development
XP Dimaano – Culture and Sports
 
Binubuo naman ng mga sumusunod ang Advisory Board;
Atty. Jose Abenir- Chairman and Senior Adviser
Jerry Benjamin
Efren Tila
Jhun Landicho
Efren Estrella
 
Sa pagsisimula ng panunungkulan ng bagong pamunuan, tinutukan nito ang mga reklamo at hinaing ng ating mga kapwa manggagawa ukol sa usapin sa pag-a-apply ng OWWA membership at iba pang Migrant issues, sa pamamagitan ng paglulunsad ng Survey sa ibat-ibang lugar sa Italya. Noong nakaraang araw ng Linggo, ika-16 ng Marso, 2014 ay nagtungo sa Lungsod ng Napoli ang pamunuan upang alamin sa ating mga kababayan doon ang halos katulad na  ‘problema’ na naghihintay ng nararapat na lunas at kaliwanagan.
 
Inilunsad din ng Pamunuan sa pangunguna ng Bagong halal na Chairman of the Board, Mr. Ariel Asis Lachica ang isang gawad sa mga manggagawa na may titulong “FEDERFIL-ITALY OFW AWARDS 2014” na naglalayong bigyan ng pagtatangi ang mga Manggagawang  Pilipino sa iba’t-ibang kategoryang kanilang kinabibilangan. 
 
Upang maging mabilis ang pagdaloy ng mga mahahalagang impormasyon,  ang Samahan ay nagbukas ng kanyang sariling Facebook Account (Federation of Filipino Communities and Associations in Italy-Official Page)  at Newsletter  upang maipahatid ng mabilisan ang mga isyung dapat bigyan ng agarang aksyon.
 
Sa patuloy na pagtitiwala at magandang pagsasamahan, ang  FEDERFIL-ITALY ay inyong kabalikat sa sa mga mahahalagang isyung ating kinakaharap. (Auggie Cruz)
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AS FIL, sa unang taon

Federation of Fil-Com in Emilia Romagna & Marche