in

UNITED ILONGGOS IN ITALY (UNITY) INDUCTION 2014

Abril 3, 2014 – Idinaos ng United Ilonggos in Italy o UNITY ang induction ng kanilang mga bagong officers sa pamamagitan ng isang thanksgiving celebration, salamat sa walang patid na pagkakaisa ng bawat miyembro sa Milan. 
 
Dumalo din ang ilang grupo tulad ng Bicol Saro, Primo, UPC at ibang pang malalapit na kaibigan ng grupo upang saksihan ang induction ceremonies.
 
 
Re-elected ang kasalukuyang president na si Wilde Colendres. Bagong halal bilang vice president si Glenn Malagad; secretary naman si Joselia Dato; Assistant Secretary si Jovel Gabarlan; treasurer si Martina Chiva; assistant treasurer si Daisy Lyn Pamposa; auditor si Frances Cabuena; PRO si Editha Mondragon; sergeant at arms sina Frederick Belo at Macky Salcedo; muse naman si Novah Riza Depol.
 
Chairman of the board si Edna Dorado; deputy si Edgardo Franco. Mga members of the board na kinabibilangan nina, Albert Mengane(Aklan), Regina Labid(Antique), Ramil Caputero/Minda Perez(Capiz), Mylyn Castronuevo/Renida Cadarin(Iloilo), Romar Lunag(Guimaras), Emmanuel Ossorio/Nicanor dela Curz Jr.(Negros) at Eleonora Malan/Miriam Domingo(Mindanao). 
 

“Ipagpapatuloy ko ang pagsuporta sa grupo at gagampanan ang responsibilities na naipasa sa akin ni outgoing Vice President Edgardo Franco”, ayon kay Glenn Malagad, ang newly elected VP sa panayam ng Ako ay Pilipino.
Inamin din ni Malagad na isa sa pang matagalang project ng grupo ay ang pagbuo ng youth, edad mula 12 hanggang 18 taong gulang. Ito umano ang henerasyon na susunod sa yapak ng mga elders ng naturang grupo. 
 
Bukod dito, isiniwalat rin ni Malagad ang hangaring bumuo ng grupo ng mga kids. 
 
Bukod sa year round projects at events ay patuloy pa rin ang paglilingkod ng UNITY sa mga kababayang higit na nangangailangan ng suporta. Dahilan ng patuloy na paglago ng nasabing grupo. Sa katunayan, mahigit 10 pang mga bagong miyembro ang ipinakilala kamakailan. (Chet de Castro Valencia)
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

STO.TOMAS TOWN FIESTA, ginanap sa Milan

730, para na rin sa mga colf, caregivers at baysitters simula ngayong taon