Sa mga nakaraang taon, ang modello UNICO lamang ang maaari gamitin ng mga colf, babysitters at caregivers. Sa pamamagitan ng mga CAF o mga lisensyadong ahensya ay maaaring kalkulahin ang debit o credit sa buwis hanggang May 31.
Roma- Abril 3, 2014 – Sa taong ito, sa unang pagkakataon, maging ang mga colf, caregivers at babysitters ay maaaring gumawa ng tinatawag na modello 730 para sa kanilang dichiarazione di redditi o tax return.
Sa pamamagitan ng “decreto del fare” (legge 98/2013), sa katunayan ay nabigyan ng pagkakataon maging ang mga workers na walang ‘sostituto d’imposta’ o withholding agent ang gumamit nito.
Ang employer ng mga workers, paalala sa isang note ng asosasyon ng Assindatcolf, ay wala sa katayuan bilang sostituto d’imposta, at hindi obligadong idagdag o ibawas sa sahod ng worker ang anumang withholding tax, na kinakalkula sa tax return.
Hanggang noong nakaraang taon, ang tanging ginagamit sa tax return ng mga colf ay ang tinatawag na UNICO persone fisiche.
Ang asosasyon, na pinagsama-sama ang mga employer ng mga colf, ay ipinapaalam na ang pagpapadala ng “730 dipendenti senza sostituto” ay kailangang gawin ito hanggang May 31 sa pamamagitan ng mga CAF.
Kung sa deklarasyon na gagawin ay lalabas ang pagkakaroon ng credit, ang rimborso o refund ay manggagaling mismo sa Agenzia dell’Entrate sa pamamagitan ng posta o ng bangko ng worker (ang mga datas ay ilalagay sa 730). Kung sakaling ang lalabas naman ang pagkakaroon ng debit, ang CAF operator ay ang kakalkula at magbibigay sa worker ng modello F24 kung saan nasasaad ang halagang dapat bayaran bago sumapit ang June 16, 2014.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]