in

Fiscal bonus para sa mga colf, magbubuhat sa mga employer

Ang mga pamilya ay magsisilbing withholding agent at may karapatan sa isang diskwento katumbas ng kontribusyong babayaran sa INPS. Ito ang hipotesisi na tinatalakay ng gobyerno sa decreto fiscale. 
 

Roma – Abril 17, 2014 – Ang gobyerno ni Renzi ay kasalukuyang tinatalakay ang decreto legge bilang pagtupad sa kanyang mga ipinangakong reporma sa buwis.  
 
Kabilang sa mga hakbang na inaasahan ay ang pagkakaroon ng diskwento sa buwis para sa mga manggagawang kumikita ng mas mababa sa 25,000 euros annually at inaasahang matatagpuan ang dagdag na 80 euros sa mga busta paga kada buwan. Isa pa, ngunit mas mababang bonus, ay nakalaan sa lahat ng may mababang sahod (mas mababa sa 8,000 euros yearly) at hindi nagbabayad ng buwis, at tinatawag na ‘incapienti’.  

 
Sa ngayon ay kailangang siguraduhin ang pagkakaroon ng mapagkukunan para sa mga inaasahang bonus at dahil dito ay nagkaroon ng isang pagpupulong kamakailan sina premier Renzi at si Economy Minister Padoan at ang Commissioner para sa spending review na si Carlo Cottarelli upang maunawaan kung gaano kalaking halaga ang lalabas na naggaling sa public expenses cost cutting. At kailangan pagkatapos ang i-detalye ang mekanismo sa pagkilala at pagbibigay ng bonus.
 
Ang balitang ito ay para sa mga colf, caregivers at mga babysitters. Ayon sa isang hipotesis na kumakalat sa mga araw na ito at naghihintay na ikumpirma sa pamamagitan ng dekreto ng gobyerno, ang mga employer ay ibibigay na muna o ia-antisipado ang bonus sa worker, at pagkatapos ay kukunin na lamang ang katumbas na halaga sa pagbabayad ng kontribusyon ng Inps. 
 
Sa madaling salita, sa kasong ito, ang employer ng mga colf ay tatayo bilang withholding agent, isang tunay na bagong balita. Ngayon, sa katunayan, ang sinumang mag-eempleyo ng colf ay hindi nagde-deduct para sa Estado, ngunit ang colf ang dapat magbayad ng buwis batay sa gross income.
 
Samakatwid, “ito ay tumutukoy sa pagbibigay muna o pag-aanticipate ng pamilya ng halagang ibibigay din naman sa pagbabayad ng kontribusyon. Isang wastong aksyon na amin ding iminungkahi” ayon kay Teresa Benvenuto, ang secretary-general ng Assindatcolf sa Stranieriinitalia.it. Tamang makinabang din ang mga domestic workers ng bonus, para sa amin ay mahalagang maayos ang kanilang kalagayan at kami ay natutuwa sa direktang pagbibigay sa kanila ng halagag ito sa halip na ibigay ito sa Estado”. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

POON ko, patawad po!

Fiscal bonus ng 40 euros para sa mga colf na mas mababa ang kita