in

Fiscal bonus ng 40 euros para sa mga colf na mas mababa ang kita

Ang bonus incapienti ay nakalaan sa mga mayroong kita o sahod na mas mababa sa 8,000 euros kada taon tulad ng maraming colf, babysitters at caregivers. 
 

Roma – Abril 22, 2014 – Ang pagiging opisyal ay inasahan kamakailan. Ngunit sa kabila ng pagpapaliban ng decreto fiscale, isang bagay ang kumpirmado, ang pagkakaroon ng bonus para sa mga tinatawag na ‘incapienti’, o ang mga mayroong gross income na mas mababa sa 8,000 euros kada taon at hindi nagbabayad ng buwis. 

 
Ayon sa naging pinakahuling ulat na kumalat buhat sa Palazzo Chigi, sa mga ‘incapienti’, ang Estado ay magbibigay umano mula 40 hanggang 50 euros kada buwan. Isang bonus na mas mababa sa nabanggit kamakailan sa mga mayroong sahod o kita mula 8,000 hanggang 25,000, at salamat sa pagbabawas ng mga buwis, ay magiging sanhi ng karagdagang 80 euros sa mga busta paga. 
 
Maging ang maraming mga colf, caregivers at babysitters ay kabilang rin sa mga ‘incapienti’. Ngunit paano nila matatanggap ang nasabing bonus? Ang hipotesis ay magmumula sa mga employers na makakatanggap ng isang diskwento na may katumbas na halaga sa mga pagbabayaran na kontribusyon sa Inps. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fiscal bonus para sa mga colf, magbubuhat sa mga employer

Fiscal bonus ng mga colf, babysitters at caregivers, ipinagpaliban ng decreto fiscale