Roma, Mayo 7, 2014 – Kinumpirma ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC ang isang kaso ng Middle-East Respiratory syndrome Coronavirus o MERS-CoV sa Italya.
Inilathala ng ECDC kahapon ang pinakahuling ulat nito ang ukol sa pagkalat ng nasabing virus.
Tinatayang aabot sa 495 ang mga tinamaan ng virus sa buong mundo at 141 naman ang mga nasawi at karamihan ng mga ito ay naitala sa Middle East dahil na rin direktang contact sa mayroong virus, tulad ng ilang health workers na Pilipina sa Saudi Arabia.
Sa unang pagkakataon ay naitala ang isang kaso sa Italya.
Middle East:
Saudi Arabia: 411 may virus / 115 nasawi
United Arab Emirates: 49 may virus / 9 nasawi
Qatar: 7 may virus / 4 nasawi
Giordania: 6 may virus / 3 nasawi
Oman: 2 may virus / 2 nasawi
Kuwait: 3 may virus / 1 nasawi
Egypt: 1 may virus / 0
Europe:
UK: 4 may virus / 3 nasawi
Germany: 2 may virus / 1 nasawi
France: 2 may virus / 1 nasawi
Italy: 1 may virus / 0
Grece: 1 may virus / 0
Africa:
Tunisia: 3 may virus / 1 nasawi
Asia:
Malaysia: 1 may virus / 1 nasawi
Philippines: 1 may virus / 0 America:
USA: 1 may virus / 0
Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso nito sa buwan ng Abril kung saan naitala ang 261 kaso. Sa pagitan ng Marso 2013 at Abril 2014, ang average buwan ng mga niulat na kaso ay 15.
Nitong Abril, naitala ang pagkalat ng virus sa apat na bansa tulad ng Pilipinas, Greece, Malaysia at Egypt mula sa Middle East.
Sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso, tiniyak ng Saudi government na hindi pa maituturing na epidemya ang nasabing sakit.
Samantala, ang World healt Organization ay nag-alok na magpadala ng mga eksperto sa Saudi upang mag-imbestiga kaugnay ng pagkalat ng virus.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]