Magandang araw po, ako po ay iang isang caregiver at naka-live in. Ako ay pabahay sa isang studio apartment o monolocale. Nais kong kunin ang aking asawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng family reunification. Anu-ano po ang requirements para sa isang angkop na accommodation para sa application ng ricongiungimento?
May 12, 2014 – Para sa family reunification o ricongiungimento famigliare, ang tirahan o alloggiativa ay dapat na alinsunod sa pamantayan ng kalusugan na nasasaad sa batas ng Hulyo 5, 1975 ng Ministry of Health. Ang dokumento na nagpapatunay ng angkop na tirahan ay ang tinatawag na certificato di idoneità alloggiattiva, tulad ng mababasa sa circular ng Ministry of Interior bilang 7170/2009.
Upang magkaroon ng clearance o nulla osta sa family reunification o ricongiungimento famigliare, ay hinihingi ang minimum required dimension ng isang tahanan sa pamamagitan ng square meters, batay sa uri ng tirahan at sa bilang ng mga taong naninirahan.
Kung nakatira sa isang studio apartment ?
Ang studio apartment o monolocale ay nangangahulugang may single room. Kung ang dayuhan ay nagnanais na mag-aplay para sa family reunification o ricongiungimento famigliare para sa isang tao lamang, ang uri ng tirahang ito ay maaaring angkop kung ang kabuuang floor area nito ay 38 sqm kasama ang banyo. Ang minimum na tass ng titahan ay kailangang 2,70 metro (2,55 metro naman sa mga tirahang malapit sa bundok).
Kung nakatira sa isang apartment?
Ang kinakailangang sqm sa kasong ito ay iba, batay sa bilang ng mga tao. Ang kabuuang floor area ng tirahan sa bilang ng mga naninirahan:
2 tao : 28 sq m
3 tao : 42 sq m
4 tao : 56 sq m
Sa bawat susunod na naninirahan (halimbawa, sa ika-5) ay kinakailangan ang higit na 10 sqm. Hal: sa 5 maninirahan, kinakailangan ang 66 sqm; para sa 6 naman ay 76 sqm.
Maaari ring mag-aplay para sa family reunification o ricongiungimento famigliare kahit ang aplikante at ang miyembro ng pamilyang kukunin sa Pilipinas ay magkaiba ng tirahan. Ito ay nasasaad sa circular 1575/2008 ng Ministry of Interior. Sa katunayan, ang requirement para sa tirahan ng miyembro ng pamilyang kukunin ay maituturing na angkop kung mapapatunayan na kung ang aplikante ay nais lumipat sa titirahan ng kukuning miyembro ng pamilya at sa kaso na ang aplikante ay matitiyak ang isang tirahan para sa kanila na iba sa kasalukuyang tirahan.