Manila, Mayo 13, 2014 – Nakatakdang humarap sa mga taga-usig si Daniele Bodio, ang Italian national, ng Ministry of Foreign Affairs Turkmenistan 1st Councilor, upang dalhin ang kanyang salaysay matapos akusahan ng child trafficking. Haharap siya bukas ng umaga, ganap na ika-sampu ng umaga sa Prosecutor's Office sa Biñan, Laguna.
Natanggal siya bilang Italian Ambassador sa Turkmenistan matapos akusahan ng child trafficking noong ika-anim ng Abril at nanatiling nakakulong sa Biñan City Jail ng higit na sa 38 araw. Hindi pa umano naaakusahan ng anumang krimen si Bosio, Kasama niya sa piitan na may sukat na 40 metro kuwadrado ang higit sa 80 bilanggo.
Ayon sa kanyang pamilya nangangamba ang mga ito sa kaligtasan at kalusugan ng Italyano dahil sa marumi at halos 'di makataong uri umano ng piitan. Bukod dito, nahihirapan na rin siyang makibagay sa iba pang mga napipiit.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]