Ito ay babayaran sa pagsusumite ng application para sa citizenship sa mga konsulado. Isang susog na inaprubahan at napapaloob sa dekreto ng bonus Irpef .
Roma – Hunyo 10, 2014 – Ang pagsasa-batas ng decreto bonus Irpef na inaprubahan noong nakaraang Hunyo 5 sa Senado ay kinumpirma ang isang pabigat sa mga may lahing italyano na naninirahan sa ibang bansa at nagnanais na magkaroon ng Italian citizenship.
Pinayagan ng gobyerno, sa pamamagitan ng isang malaking susog, na rebisahin ang mga inaprubahang pagbabago sa komite. Kabilang dito, ay ang karagdagang table ng mga bayarin sa konsulado. Tumutukoy ito sa karapatan ng muling pagkilala ng italian citizenship sa isang may hustong edad na buhat sa lahing italyano o may lahing italyano at nagkakahalaga ng 300 euros.
Isang malaking pagbabago, kung isasa-alang-alang na ang mga may lahing italyano ay maaaring mag-sumite ng aplikasyon ng libre. Maaaring marami ang mga aplikasyon at ang mga konsulado, na kulang sa man power, ay hindi magarantiya ang mahusay na pagproseso sa mga ito.
Tulad ng ipinaliwanag ni PD Senator Giorgio Tonini, ang pumirma sa susog, "sa Latin America, lalo na sa Argentina ay may mahabang listahan ng mga taong naghahangad ng italian citizenship dahil buhat sa lahing italyano. Hangarin ng susog na gamitin ang isang bahagi ng makukuhang bagong buwis para dagdgan ang mga locally hire na staff upang tapusin ang mga pending application”.
Isang pagbibigay-katwiran sa karagdagang bayarin ay muling binanggit sa technical report na lakip ng susog, kung saan mababasa “ang isang karagdagang obligasyon para sa mga konsulado, kung saan nararamdaman ang bigat nito dahil sa kakulangan sa tauhan at maging sa karagdagang gastusin”. Ang mga ninunong italyano kung saan mamanahin ang italian citizenship ay maaaring sumakabilang buhay na isang daang taon na nakakalipas at kinakailangang gawin ng konsulado ang masusing pagsusuri sa ilang henerasyon sa pag-proseso sa aplikasyon.
Ang teksto ay inaprubahan sa Senado, at nakalaan sa Kamara ang final approval. Ngunit halos walang pag-asang mabago ito at matanggal ang bagong uri ng buwis.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]