in

Entry visa para sa Italya, higit sa 2 milyon

Noong 2013 ay nag-isyu ng dalawang milyong entry visa, isang pagtaas ng 13.5%. Ngunit 2% lamang nito ang working visa. 
 

Roma, Hunyo 10, 2014 – Italya bukas na bansa, ngunit para lamang sa mga touch-and-go tourists.
 
Ayon sa bagong edisyon ng Annual Statistics ng Ministry of Foreign Affairs, na inilabas kamakailan sa Roma, sa taong 2013 ay naitala ang isang boom ng mga entry visa sa Italya. Sa unang pagkakataon ay nalampasan ang 2 million quota (2,125,465), na may pagtaas katumbas ng 13.5% kumpara noong nakaraang taon.
 
Maituturing ang isang entry visa ang ini-isyu tuwing 15 segundo, ang Italya ay ikalawang bansa sa Schengen, matapos ang France ngunit bago ang Germany. “Bilang na naghatid ng halos 104 million euros sa kaban ng bayan”, bigay-diin ni Ambassador Cristina Ravaglia, ang Director General for Italians Abroad and Migration politics

 
Sa geographical division, halos 50% ng mga entry visa ay inisyu sa mga non-EU European countries, ang 28% sa Asya, ang 12 % sa Mediterranean region at  Middle East, 4% sa Africa at Americas. Ang Russian Federation ay patuloy na pinanghahawakan ang record sa bilang ng mga visa application at issued visa (770,605), na sinusundan ng China (346,739), Turkey (140,388) at India (80,759).
 
Ngunit kung papansinin ang dahilan ng issuance nito ay matutuklasang hindi ito tumutukoy sa isang di-mapigilang imigrasyon. Sa katunayan, ang 78% ay inisyu para sa turismo, ang 9% naman ay para sa business, ang 4% para sa family reunification at ang 2 % lamang ang para sa subordinate job at pag-aaral.
 
Higit na malaki ang itinaas, tulad ng mababasa, ay naitala sa mga short stay sa turismo ng mga Schengen visa; bumaba ng bahagya ang para sa business kumpara sa taong 2012 at higit na malaki ang ipinagbago ng mga working visa, dahil na rin sa krisis at sa mababang bilang ng decreto flussi
 
Nadagdagan din ang mga denied visa. “Sa taong 2013 – dagdag pa ni ravaglia – ay tinanggihan ang 79,888 application, isang pagtaas ng 3,7 % kumpara noong 2012. Ito ay nangangahulugan lamang ng higit na kontrol sa mga aplikasyon. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

300 euro tax para sa italian citizenship ng may lahing italyano sa ibang bansa

Expired ang permit to stay, maaari bang i-regular?