in

Expired ang permit to stay, maaari bang i-regular?

Magandang araw po. Ang aking bagong employer ay nais akong gawing regular ngunit expired na ang aking permit to stay. Maaari pa rin ba akong mag-trabaho at mai-regular?

 

 

Mayo 15, 2017 – Ang mga dayuhan sa Italya ay maaaring maging regular sa trabaho habang naghihintay ng renewal ng permit to stay kung nagtataglay lamang ng cedolino o postal receipt bilang katunayan sa pag-aaplay ng renewal ng nasabing dokumento. 

Ang aplikasyon ng renewal ay kailangang isumite 60 araw bago mapaso ang dokumento o 60 araw matapos ang expiration nito. 

Sa paghihintay ng releasing ng renewed permit to stay, ang dayuhan ay maaaring regular na manatili sa Italya at mag-trabaho. Sa kasong lumabas ang anumang hadlang sa renewal, ang awtoridad ay ipagbibigay alam ito maging sa employer ng dayuhan. 

Alinsunod sa Batas Pambansa n. 40/2014 na nagtanggal sa talata 2Bis ng artikulo 13 ng D.P.R. n. 394/99, para sa renewal ng permit to stay para sa subordinate job, ay hindi na kinakailangan ang pagsusumite ng self-certification ng employer ukol sa angkop na tirahan ng kanyang worker o maging ang kopya ng contratta di soggiorno.

Sa katunayan, pinalitan ng denuncia del rapporto di lavoro domestico para sa mga colf o ng modello Unilav para sa ibang subordinate job ang contratto di soggiorno. 

Ipinapaalala na ang comunicazione di assunzione ay dapat ipadala online sa Inps para sa mga colf (o sa Centro per l’Impiego para sa ibang uri ng trabaho) atleast 24  hrs bago ang simula ng trabaho (kabilang ang piyesta opisyal).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Entry visa para sa Italya, higit sa 2 milyon

Bagong pamantayan ng sahod ng ‘assegni familiari’