Itinakda ang bagong pamantayan ng sahod na ipatutupad simula Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2015. Ang benepisyo ay nakalaan sa mga manggagawang italyano at mga dayuhan, ang aplikasyon ay isusumite sa mga employer o sa tanggapan ng Inps.
Roma – Hunyo 16, 2014 – Tumaas ang cost of living at tulad sa mga nakaraang taon, ay binago ang pamantayan sa sahod para sa assegni al nucleo familiare. Inilathala ng Inps kamakailan ang bagong pamantayan na ipatutupad simula Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2015.
Ang benepisyo ay nakalaan para sa mga manggagawa at pensyonado (at sa ilang kundisyon para sa mga free-lancer workers na nakatala sa Inps) kung ang kabuuang sahod ng mga kumikita sa buong pamilya ay mas mababa kaysa sa itinakda. Ito ay ipinagkakaloob sa mga manggagawang italyano at mga banyaga.
Dapat isumite ang aplikasyon sa employer at sa tanggapan naman ng Inps para sa mga colf at sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Sa unang nabanggit, ang benepisyo ay makikitang napapaloob sa busta paga at sa ikalawa naman ay direktang manggagaling buhat sa Inps.