Magandang umaga po. Mayroon akong kontrata bilang caregiver. Ang aking inaalagaan ay nasa ospital sa ngayon. Magkakaroon po ng pagbabago sa aking trabaho?
Hunyo 16, 2014 – Sa kasong ang inaalagaan ay na-ospital, ay mayroong 3 hipotesis batay sa pangangailangan ng inalagaan.
1) Sa kasong ang inaalagaan ay ma-hospitalized at hindi nangangailangan ng anumang tulong buhat sa nag-aalaga ngunit hindi tinatapos ang kontrata, ay nakalaan pa rin sa caregiver ang buong sahod sa kabuuang panahon na nasa ospital ang employer. Bukod dito, kung ang caregiver ay tumatanggap ng board and lodging (o board lamang, batay sa napag-kasunduan), ay dapat pa ring tumanggap ng parehong benepisyo buhat sa employer o ang pagtanggap ng sapat na halaga bilang kapalit sa mga nabanggit na benepisyo sa panahong nasa ospital ang employer. Ito ay nasasaad sa artikulo 9 ng CCNL ng lavoro domestico.
2) Sa kasong ang inaalagaan ay matatagalan ang pananatili sa ospital o sa klinika at hindi na mangangailangan ng caregiver ay maaaring tapusin ang kontrata dahil sa tinatawag na ‘giusta causa’, sa pamamagitan ng pagpapadala ng comunicazione de cessazione del rapporto di lavoro sa Inps. Sa puntong ito, ay maaaring isaalang-alang ang mga kundisyong nasasaad sa artikulo 39 ng CCNL batay sa
uri ng ginawang hiring, upang masunod ang kaukulang abiso sa pagtatapos ng kontrata.
3) Samantala kung ang employer ay nangangailangan naman ng tagapag-alaga sa ospital o sa klinika, ay dapat na ipagbigay alam ang anumang pagbabago ukol sa trabaho sa Inps sa loob ng 5 araw. Ito ay upang gawin ang pagbabago sa oras at lugar ng trabaho na gagawin batay sa hinihinging pangangailangan ng employer.