in

July 10, deadline ng ‘contributi Inps’

Para sa mga employers ng mga colf, caregivers at babysitters ay nalalapit na ang deadline ng pagbabayad ng ikalawang bahagi ng ‘contributi Inps’ para sa taong 2014. Tunghayan ang table sa ibaba.

Roma, Hunyo 30, 2014 – Ikalawang bahagi ng quarter payment para sa kontribusyon ng mga colf, babysitters at caregivers. Hanggang July 10 ang employers ay kailangang bayaran sa Inps ang kontribusyon para sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo 2014. Bahagi rin ng babayaran sa Inps ng mga employers ang halagang dapat bayaran ng mga workers.

Ang pagbabayad ng kontribusyon ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng website www.inps.it, sa mga tobacco shops (tabaccherie) at sa mga post offices gamit ang bollettino postale. Ang sinumang hindi nakatanggap nito ay maaaring magtungo ng personal sa tanggapan ng Inps o ang humingi ng kopya nito sa telepono, tumawag lamang sa 803 164.

Nag-iiba ang halaga ng kontribusyon batay sa suweldo ng worker, ngunit para sa mga kontrata na hihigit sa 24 hrs weekly ay mayroong fixed amount. Bukod dito, ay mas mataas ang halaga ng kontribusyon para sa mga lavoro determinato sa mga pansamantalang lumiban sa trabaho maliban na lamang kung ang dahilan ng ‘substitution’ ay bakasyon, pagkakasakit at pagbubuntis.

Narito ang table para sa buong taon ng 2014

Para sa mga trabaho a TEMPO INDETERMINATO

 

mayroong assegni familiari

walang assegni familiari

Hanggang  € 7,86

€ 1,39 (0,35)*

€ 1,40 (0,35)**

Higit sa € 7,86 at hanggang € 9,57

€ 1,57 (0,39)*

€ 1,58 (0,39)**

Higit sa € 9,57

€ 1,91 (0,48)*

€ 1,92 (0,48)**

Trabaho higit sa 24 hrs weekly ***

€ 1,01 (0,25)*

€ 1,02 (0,25)**

 

 Para sa mga trabaho a TEMPO DETERMINATO

(hindi kabilang ang ‘substitution’ sa mga pansamantalang lumiban sa trabaho)

 

mayroong assegni familiari

walang assegni familiari

Hanggang  € 7,86

€ 1,49 (0,35)*

€ 1,50 (0,35)**

Higit sa € 7,86 at hanggang € 9,57

€ 1,68 (0,39)*

€ 1,69 (0,39)**

Higit sa  € 9,57

€ 2,04 (0,48)*

€ 2,06 (0,48)**

Trabaho higit sa 24 hrs weekly ***

€ 1,08 (0,25)*

€ 1,09 (0,25)**

  Ito ang halagang dapat bayaran ng worker.
** Ito ay ang halagang walang assegni familiari dahil ang worker ay maaaring asawa (o miyembro ng pamilya) ng employer hanggang third degree at kasama sa bahay ng employer.
*** Ang halaga ng kontribusyon sa bahaging ito ay hindi batay sa sahod per hour at tumutukoy sa mga domestic job sa iisang employer lamang na may trabaho na hindi bababa sa 25 hrs per week at ipinatutupad simula sa mga unang oras ng trabaho sa isang linggo.

PAALALA: Bukod sa Inps, ang employer ay kailangang bayaran pati ang Contributo di assistenza contrattuale (Codice F2) para sa Cas.sa Colf. Para sa taong 2014, ang halaga para sa lavoro a tempo determinato at indeterminato, anuman ang sahod at oras ng trabaho ay € 0,03 (at 0,01 nito ang halagang dapat bayaran ng worker kada oras.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang mag-aplay para sa family reunification, matapos ang deportasyon?

ARAW NG KALAYAAN IDINAOS SA MILAN