in

ARAW NG KALAYAAN IDINAOS SA MILAN

Mialn, Hulyo 2, 2014 – Isang simpleng selebrasyon ng ika-116 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ang idinaos ng Filipino Community  sa Milan. Ginanap sa Piazza Frattini sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa pamumuno ni Consul General Marichu Mauro.

Umaga pa lamang ay nagtungo na ang mga Pilipino sa simbahan ng Imaculate Conception Parish upang dumalo ng banal na misa sa pangunguna ni Fr. Rudy Maramba, ang nakatalagang Filipino priest sa naturang simbahan.

Ikinatuwa ng pari na kahit simple ang naging selebrasyon ay nagkakaiisa pa rin ang lahat sa paggunita sa Araw ng Kalayaan tulad rin ng iba pang mga pagdiriwang.

Sa pagtatapos ng misa ay sinimulan ang programa sa grounds ng nasabing simbahan. Bukod sa mga Filipino groups na nakilahaok ay naging panauhing pandangal ang Philippine Consulate ng Piemonte-Valle D’Aosta sa pangunguna ni Honorary Consul Maria Grazia Cavallo Borello ng Turin, Italy kasama ang kanyang mga constituents.

Mula sa pagpugay sa bandila ng Pilipinas at Italya ay sinundan ito ng maikling talumpati ni ConGen Mauro at ipinakilala ang Honorary Consul ng Turin.

Sa talumpati ng Milan Consul General ay pinasalamatan ang buong Filipino community maging ang mga grupo mula sa Hilagang bahagi ng Italya sa muling pagtitipon sa pagdaraos nitong historical event ng Pilipinas.

Bahagi ng kanyang talumpati ay binanggit ang kasalukuyang pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa. “We are experiencing so much economic development, we had 7.3% growth” ayon kay Mauro.

Binasa naman ni Vice Consul Helen Sayo ang mensahe mula sa Pangulo ng Pilipinas Benigno S. Aquino III. Sinabi ng pangulo ang pagbura at paglinis ng mga katiwalian tulad corruption at iba pa at bigyan ng prioridad ang edukasyon, pangkalusugan, trabaho, pangkabuhayan at ilan pang social services. Sinabi rin ng pangulo na panatiliing mataas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.

We are a nation of stewards of peace, equality and prosperity and that we are all bearer of a proud heritage task to demonstrate integrity, transparency and accountability in all our pursuits. May we remain united..

Isinunod basahin ang mensahe mula sa Vice President ng Pilipinas na si Jejomar Binay. “Our war now is not against external oppressor”, ayon sa bise president. Ito aniya ay ang kahirapan na maraming dekada nang nais maresolba ng lahat. “ If we are to be truly free, we must provide to the poor with the means to be able to live meaningful lives.

Sa mensahe ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na binasa ni POLO and Welfare Secretary Cynthia Lamban, sinabi ni Baldoz na ang pagkakaisa ng mga manggagawa at mga kapitalista ang kailangan upang panatiliin ang patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa bahagi ng talumpati ni Honorary Consul Borello, ay sinabing pagsusumikapan niyang mapanatili ang magandang relasyon ng Filipino Community sa lokal na pamahalaan maging sa buong kumunidad ng Turin.

Pagkatapos ng mga talumpati ay nagkaroon ng salu-salo kung saan nagmistulang mini reunion ng bawat grupo sa Milan.

Sa panayam kay ConGen Mauro, ay inaming kulang ang panahon sa paghahanap ng pagdarausan ng selebrasyon. Ito ay dahil na rin noong Abril lamang naupo bilang Consul General at nagsimula sa paghahanda ng sumunod na buwan kasama ang filipino community. Dagdag pa ni ConGen, sa isang ginanap na pagpupulong ay matagal na preparasyon ang kinakailangan, mahigit kumulang na anim na buwan o mas higit pa sa anim.

“Nandito tayo sa Frattini dahil pinupuntahan na rin ito ng mga Pilipino, kilala na  maayos na lugar at kung mapapansin niyo organized ang ating celebration ngayon” wika ni Mauro.

Nais ni Mauro ang simple kaysa sa engrandeng selebrayon dahil na rin sa pagkakaroon ng alinlangan ng mga kababayan natin na lapitan ang ilang opisyales. “Mas gusto ko ang lugar kung saan mas relax ang Pilipino, relax din ako” aniya.

Ilan taon na rin ginaganap sa Piazzale Frattini ang Araw ng Kalayaan sa Milan subalit sa taong ito ay walang anumang cultural shows dahil hindi umano pumayag ang namamahala ng simbahan.

“Pagkatapos ng June 12, maghahanap na ako for 2015, maghahanap na ako ng venue, kasi baka maubusan ako” pabirong dagdag pa ng Con Gen.

Kung kaya’t humingi ng paumanhin si Mauro sa Filipino groups na ipagpaliban muna ang mga inihandang presentation para sa araw na iyon kasabay ang pangangako na paghahandaan ang Araw ng Kalayaan sa susunod na taon habang maaga.

Nagpapasalamat ako from the bottom of my heart that they came here, this is my first event of the Philippine Independence Day here as the Consul General. I look forward to better collaboration with them and please convey that I am always available”, pagtatapos pa ni Mauro.  (ni: Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

July 10, deadline ng ‘contributi Inps’

Migrant’s Day, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Italya