in

Ano ang indennità di disoccupazione? Sino at paano ang mag-aplay nito?

Magandang araw po. Ako ay natanggal sa trabaho noong nakaraang linggo. Maaari ba akong mag-aplay ng indennità di disoccupazione?
 

Septiyembre 22, 2014 – Ang idennità di disoccupazione o unemployment benefit at kilalla rin bilang Aspi o Assicurazione sociale per l’impiego ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa mga manggagawang hindi nais na nawalan ng trabaho. 
 
Hindi makakatanggap ng tulong na ito ang mga magsasaka o ang tinatawag na operai agricoli a tempo determinate at indeterminato, ang mga dayuhang mayroong permit to stay for seasonal job, at ang mga empleyadong pansamantala o permanente ng Publikong Administrasyon. 
 
Ang allowance o tulong ay ibinibigay kung ang aplikante ay nagre-resultang walang trabaho (o disoccupato) sa mga kadahilanang hindi niya nais at samakatwid ito ay hindi ibinibigay kung nawalan ng trabaho dahil napagkasunduan ng employer at worker (consensus) o dahil nag-resign ang worker (dimissione).
 
Sa huling kasong nabanggit, ang tanging pagkakataon lamang na ipagkakaloob ang allowance matapos ang resignation ay sa panahon ng pagbubuntis (maternità) o sa tamang dahilan (dimissione per giusta causa).
 
Paano mag-apply 
 
Ang aplikasyon ay dapat isumite lamang online sa Inps sa pamamagitan ng website nito gamit ang personal pin o sa pamamgitan ng pagtawag sa call center nito sa numero 803164 mula landline o 06164164 mula mobile at pati na rin sa pamamagitan ng mga awtorisadong intermediaries tulad ng mga patronati. 
 
Sa pag-aaplay, ang aplikante ay kailangan munang maghayag ng availability o “Dichiarazione di disponibilità” sa mga Centro per l’Impiego na kinasasakupan ng tirahan ng aplikante. Ito ay isinusumite online lakip ng aplikasyon at ng iba pang requirements sa Inps. 
 
Ang aplikasyon ay dapat isumite sa loob ng 60 araw mula sa petsa kung kailan nawalan ng trabaho. 
 
Ang Kinakailangan Kontribusyon
 
Upang makatanggap ng benepisyo ay kinakailangang nabayaran ang obligadong kontribusyon sa Inps para sa unemployment na hindi bababa sa 52 linggo sa  loob ng dalawang taon bago sumapit ang petsa ng involuntary unemployment. 
Kabilang sa computation maging ang kontribusyon sa panahon ng maternity kung sa panahon ng leave ay nabayaran ang kontribusyon. 
 
Halaga ng benepisyo 
 
Ang limitadong halaga na itinakda ng batas na maaaring ibigay sa taong 2014 ay 1,192.98 kada buwan. Ang halagang ito ay ina-update taun-taon batay sa pagbabagong ibinibigay ng ISTAT. 
 
Ang allowance ay kinakalkula batay sa suweldo na natanggap ng worker at ito ay katumbas ng 75% ng buwanang suweldo, samakatwid kung ang  aplikante ay may suweldo na katumbas ng € 1,000.00, ang unemployemnet allowance ay 750 € (is 1.000 X 0.75). 
 
Kung ang aplikante ay tumatanggap ng suweldong higit sa € 1,192.98, ang unemployment benefit ay nadadagdagan ng 25% na kinakalkula batay sa diperensya ng sahod na tinanggap at ang itinakdang limitasyon ng 1.192.98 euro. Halimbawa, kung ang halaga ng sahod ay 1.250, ang unemployment ay katumbas ng 909,00 dahil sa sumusunod na kalkulasyon:
 
1,192.98 X 0.75 = 894.74 
1,250.00 – 1.192.98 = 57.02 (ang diperensya sa pagitan ng suweldo at ng halaga ng limitasyon) 
57.02 X 0.25 = 14.26 (ang higit na 25% sa pagitan ng suweldo at halaga ng limitasyon) 
Kabuuang allowance 894.74 + 14.26 = 909.00 
 
Panahon ng pagtanggap ng benepisyo
 
Batay sa edad ng aplikante at taon kung kailan nawalan ng trabaho ay nag-iiba ang panahon ng pagtanggap ng benepisyo. 
 
Para sa 2014 ang mga worker under 50 ay nakalaan ang maximum na 8 buwan, sa mga may edad mula 50 hanggang 54 ay nakalaan naman ang maximum na 12 buwan at para sa mga over 55 ay may maximum na 14 na buwan.
Para sa 2015 ang maximum na panahon ng pagtanggap ng benepisyo, sa unang grupong nabanggit sa itaas ay 10 buwan, sa ikalawa ay nanatiling 12 buwan at ang ikatlo ay naman ay tumaas rin sa 16 na buwan. 
 
Maaari bang ang pagtanggap ng unemployment ay matapos bago ang panahong itinakda ng batas?
 
Oo. at may ilang mga dahilan kung bakit. 
Halimbawa, kung ang aplikante ay nagkaroon ng bagong subordinate job ng higit sa 6 na buwan, ang benepisyo ay ihihinto batay sa komunikasyon ng pag-empleyo na tinatawag na comunicazione obbligatoria di assunzione. Maging sa kasong ang aplikante ay nagbukas ng sariling negosyo o self-employment o nagsimulang tumanggap ng disability allowance o assegno ordinario di invalidità o naaabot na ang edad ng pagreretiro o maagang pagreretiro. 
 
Maging sa mga kasong tinanggihan ang partesipasyon sa mga formation courses, training at iba pa o tinanggihan ang isang aok na trabaho na mas mataas na sahod ng 20% sa gross amount ng benepisyo. 
 
Paalala: Kung sa panahon ng renewal ng permit to stay ay walang trabaho, ay maaaring mag-aplay ng renewal ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. Ipinapaalala rin na para muling ma-empleyo matapos ang  expiration date ng permit to stay ay kailangang nakapag-sumite ng aplikayon ng renewal ng nabanggt na dokumento batay sa panahong itinakda ng batas. 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalla strada alla Zecca di Stato – la storia di Alessandro

Ministry of Education naghahanap mula janitors hanggang secretaries, mga dayuhan excluded!