Isang paglilinaw buhat sa Viale Trastevere: bukas maging sa mga dayuhan ang public announcement ng recruitment ng mga ATA employees sa mga paaralan. Asgi: “Extension sa deadline ng aplikasyon ang kailangan ngayon”.
Rome – 29 Septiyembre 2014 – Ang Ministry of Education ay nagbabalik hatid ang extension para sa mga dayuhan ng recruitment ng mga janitors, cooks, secretaries at ilan pang posisyon sa mga paaralan. Kamakailan ay lumabas ang anunsyo bilang requirement ang Italian o European citizenship sa bando triennale per il reclutamento di personale Amministrativo Tecnico e Ausiliario. Tulad ng binigyang-diin ng Asgi, ito ay isang diskriminasyon at labag sa batas, kung saan nasasaad ang pagiging bukas ng public administration sa hiring maging sa mga non-EU nationals na nagtataglay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno, sa mga miyembro ng pamilya ng EU nationals o sa mga mayroong international protection status.
Nakalimutan? Maaari bang malimutan ang higit sa kalahati ng populasyon ng mga imigrante sa Italya na mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno? Mabuti na lamang ay napagtanto ng Ministry ang naging pagkakamali, kahit naq hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa inaaming isa itong pagkakamali. Isang circular ang ipinalabas kamakailan kung saan nasasaad na ang public announcement ay kailangang unawain ng naaaayon at batay sa ipinatutupad ng batas.
Samakatwid, ay nililinaw sa isang anunsyo ng Ministry, “ang posibilidad na magsumite ng aplikasyon ay nangangahulugan ring para sa mga non-EU nationals na carta di soggiorno holders at mga Third country nationals na carta di soggiorno holders at ang mga refugees o mayroong international protection status.
Solusyon ba ito? “Sa ngayon, lahat ng opisyal na nangangalaga sa pag-proseso ng mga aplikasyon ay may sapat ng mga impormasyon upang tanggapin ang lahat ng aplikasyon ng walang diskriminasyon ayon sa batas – ayon sa Asgi, kasabay ng pagtatanong kung bakit – ang Ministry ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na aminin ang pagkakamali, hindi pormal na binago ang public announcement at lalong higit ay hindi binago ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon”, na matatapos sa Oct 8.
Kinokundana ng asosasyon na ang paglilinaw ay naganap dalawang linggo bago ang deadline ng nasabing bando at ang mga non-EU nationals ay mayroong mas maigsing panahon kumpara sa mga Italians o EU nationals upang mapag-handaan at magkaroon ng pagkakataon upang makapag-sumite ng aplikasyon.
Gayunpaman, "nananatiling isang diskriminasyon na dapat bigyan ng solusyon ng Ministry”. Dahil sa kanyang pagkakamali ay apektado ang mga non-EU nationals ay dapat bigayn ng extension ang deadline ng mga ito.