Tinanggihan ni Interior Minister Alfano ang ipotesis ni Major Marino at Undersecretary Manzione: “Wala at hindi magkakaroon ng ganitong uri ng desisyon. Ang Viminale ay hindi maglalabas ng kahit na 1 euro”.
Rome – Septiyembre 29, 2014 – Mga refugees bilang bisita ng mga italian families, na bibigyan ng reimbursement ng estado. Ito ay upang bigyang lunas ang mga shelters at maiwasan ang tensyon tulad ng naganap kamakailan sa Corcolle, sa labas ng lungsod ng Roma.
Ang ipotesis ng alkalde ng Roma Ignazio Marino, ay lumabas sa isang pagpupulong sa pagitan ni Ministry of Interior Undersecretary, Domenica Manzione, mga kinatawan ng Anci at ng Region Conference.
“Kasama si Manzione – ayon sa alkalde ng kapital – naisip namin ang panukal tulad ng custody ng mga minors ay maaaring magkaroon rin ng custody ng mga adult sa mga pamilya, na kabahagi ang pamahalaan sa magiging gastusin nito sa pagbibigay ng 30 euros kada araw para sa pagkupkop sa isang migrante sa ating lungsod”.
“Aming naisip, na maaaring ipagkatiwala sa pamilyang nagnanais kumupkop ng isang migrante ang 900 euros na nakalaan para dito, na walang gagalawin o hihingin mula sa national budget at ito ay maaaring maging sanhi ng higit na availabilty at social integration”, ayon kay Marino.
Ang mga salita ng Marino, gayunpaman, ay naging kontrobersiya. “900 euros kada buwan – sigaw ng predisente ng Fratelli d’Italia na si Giorgia Meloni – doble ng halaga ng minimum pension, tatlong doble ng tinatanggap ng isang disable, at mas mataas kaysa sa average income ng isang ‘precario’. Samantala ang Lega Nord naman ay naghayag ng “welga sa konseho at sa mga plasa” at kasama si Senator Gian Marco Centinaio ng Lega na nag-anunsyo naman ng isang komprontasyon sa mga Italians.
Matapos ang ilang araw ng katahimikan ay narinig ang opinyon ni Interior Minister Alfano, na wala sa programa ang ganitong uri ng aksyon: “Ang mga nabababsa sa pahayagan ukol sa desisyon ng pagre-reimburse ng 30 euros kada pamilya na kukupkop sa kanilang tahanan ng matandang imigrante o menor de edad na anak ng imigrante ay walang katotohanan na nagbuhat sa Ministry of Interior at hindi rin ito bahagi ng mga ipinatutupad na aksyon”.
"Hayaan ninyong aking linawin, ng walang anumang kontrobersiya sa alkalde ng Roma: ang Ministry of Interior – ulit ni Alfano – ay hindi maglalabas ng kahit na 1 euro para sa ganitong uri ng solusyon. Ang lahat ng ipotesis na tulad nito na dinala sa aking tanggapan, kahit kanino pa man galing, ay siguradong aking tatanggihan”. Ang ipotesis ay naging tila lapida, ngunit tila hindi naman para sa Undersecretary Manzione.