in

Mga Ofws nanganganib mawalan ng karapatang bumoto

Rome, Septiyembre 30, 2014 – Nanganganib na hindi makaboto ang mga ofws sa nalalapit na 2016 Elections.

Ito ay matapos aminin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa isang panayam na tinanggal ng Department of Budget and Management sa panukalang 2015 National Budget ang inilaan nilang pondo para sa pagpapatala ng mga bagong overseas absentee voters sa ibang bansa.

Tinatayang aabot sa P89 milyon ang kinakailangang pondo upang makapagparehistro at makaboto ang mga OFW sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act of 2003.

Ayon sa Comelec, kasama sa budget ang OAV at online registration sa orihinal nilang panukala na isinumite sa DBM ngunit tinanggal ito ng nasabing ahensya sa 2015 National Expenditure Program – ang panukalang batas tungkol sa taunang budget ng gobyerno sa susunod na taon.

Samantala, inaasahan naman ang higit na suporta ni Vice President Jejomar Binay na kasalukuyang Presidential Adviser on OFW Concerns sa isyung ito matapos amining dismayado sya sa ginawang desisyon ng DBM.

Gayunpaman, isang petition online ang inilunsad ng mga ofws upang sama-samang manawagan sa Kinauukulan upang ibalik sa orihinal na halaga ang budget ng Comelec para sa mga susunod na taon upang masigurado ang tamang preparasyon para sa 2016 Elections.

Batay sa opisyal na tala ng gobyerno, tinatayang aabot sa 2.5% ng 10 hanggang 12 milyong Filipino overseas ang bumuboto simula 2003 sa pammagitan ng Overseas Absentee Voting Act. Ito ay matapos ipaglaban ang nasabing karapatan sa loob ng 16 na taon.

Mahigit P1 trilyon ang remittance ng Ofws taon-taon sa bansa. Ito ay isang mahalagang kontribusyon na nagpapalutang ng ekonomiya ng bansa at sapat na dahilan upang pangalagaan ang kanilang karapatang bumoto.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay naipit ng treno, sumakabilang buhay

Mga Migrante sa Roma, nagpiket laban sa POLO/OWWA