in

Ako ay umuupa ng apartment, dapat ba akong magbayad ng TASI?

Magandang umaga po. Ako ay nangungupahan sa isang apartment. Ang may-ari ng bahay ay sinabing dapat kong bayaran ang bahagi ng buwis na tinatawag na TASI. Ano po ba ito?
 

Oktubre 14, 2014 – Ayon sa art. 1, talata 684 ng Legge di Stabilità 2014, ang TASI (isang uri ng tassa comunale) ay binabayarang pareho ng may-ari at ng umuupa ng bahay, kung ang kontrata (di affitto) ay balido ng minimum na 6 na buwan. 
 
Ang pagbabayad ng Tasi ay nakalaan sa mga umuupa ng apartment kahit pa ang may-ari ng bahay ay kasama ditong naninirahan. Samakatwid, ito ay kailangan pa ring bayaran kahit ilang kuwarto lamang ang inuupahan basta't may regular at rehistradong kontrata. Maging kahit anong dahilan ng pagpapatira, bukod sa pagpapaupa tulad ng tinatawag na comodato d’uso gratuito o ang libreng pagpapatira, ang sinumang naninirahan sa isang tahanan ay kailangang magbayad ng bahagi ng Tasi na nakalaan para sa mga nangungupahan. 
 
Ang bahagi o porsyentong sagot ng nangungupahan ay nag-iiba sa bawat Comune at karaniwang simula 10% hanggang 30% ng kabuuang halaga ng Tasi habang sagot naman ng may-ari ang natitirang bahagi, o ang 90% hanggang 70%. Upang malaman ang porsyentong sagot ng umuupa, ay kailangang alamin kung ang Comune kung saan naninirahan ay nagtakda na o hindi ng hatian ng porsyento at ng aliquote. Sa kasong hindi nagtakda ng paghahatiang porsyento ang Comune, ayon sa batas ang bahagi ng nangungupahan ay 10%.

 
Ang nangungupahan at ang may-ari ay hindi mananagot sa hindi pagbabayad ng bawat isa, o kung ang nangungupahan ay hindi nagbayad ng kanyang bahagi, ang may-ari ay hindi responsabile dito gayun din kung ang nangungupahan ay hindi responsabile sa hindi pagbabayad ng may-ari ng kanyang bahagi. Sa katunayan, ang Comune ay hindi sisingilin ang kakulangang porsyento sa sinumang nagbayad ng sariling bahagi. 
 
Ngunit nagbabago kung sa iisang tahanan ay mayroong higit sa isang may-ari at higit sa isang nangungupahan. Sa puntong ito, ang lahat ay dapat magbayad ng kanya-kanyang bahagi ng Tasi. Sa katunayan, ang lahat ng mga may-ari at lahat ng mga nangungupahan ay parehong dapat magbayad ng porsiyentong itinakda ng batas para sa angkop na kategorya (art. 1 talata 671, ng Legge di Stabilità 2014).
 
Maaaring gamitin ang F24 o bollettino postale sa pagbabayad. Upang malaman naman ang eksaktong halaga na dapat bayaran ay maaaring magtanong sa may-ari ng bahay kung gaano ang kanyang bahagi. Maaari ring lumapit sa mga Caf at maaari ring mag-kalkula online sa website ng Comune kung saan naninirahan.
 
Ang deadline sa pagbabayad  ng Tasi ay hanggang Oktubre 16, 2014, at sa ilang Comune kung saan hindi pa tapos ang deliberasyon, ang deadline ay sa Disyembre 16, 2014.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mos Maiorum sinimulan na!

Be Eco! Be Global! Be Fibre!