in

Anunsyo ng Servizio Civile, bukas din maging sa mga kabataang dayuhan

Nangangailangan ng mga volunteers para sa mga self-financing projects. Tinanggal na ang italian citizenship bilang requirement at samakatwid ay pwede na ang mga EU nationals at mga non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno at permit to stay for asylum o international protection.

Roma – Oktubre 22, 2014 – Naghahanap ng 1,304 mga kabataan, may edad mula 18 hanggang 28 anyos ang servizio civile o civil service, at sa pagkakataong ito, ay bukas sa lahat.

Inilathala kamakailan ng Youth and National Civil Service Second Department ang isang special public announcement sa pagre-recruit ng mga volunteers para sa mga self-financing projects dahil na rin sa pondong buhat sa Regione at iba’t ibang mga asosasyon sa bansa. Narito ang listahan.

Sa anunsyo ay makikitang kumpirmado ang mahalagang balita, dahi na rin ito sa opinyon kamakailan ng Konseho ng Estado. Hindi mahalaga ang citizenship: maaaring lumahok ang mga kabataan ng EU, at mga miyembro ng pamilyang nagtataglay ng permanent residency, mga non-EU nationals na nagtataglay ng carta di soggiorno o permit to stay for asylum o international protection.

Ang mga application ay maaaring isumite hanggang alas 2 ng hapon ng Nov 14 direkta sa mga entidad na humahawak ng proyekto. Maaring isumite ng personal o sa pamamagitan ng registered mail with return card at e-mail.

Ang mga forms ay lakip ng nasabing anunsyo.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nagpakamatay matapos patayin ang anak

Self-certification ng mga kinakailangang dokumento sa carta di soggiorno, maaari ba?