in

Berlusconi sang-ayon sa citizenship matapos ang isang educational stage

“Isang obligasyon ang ipagkaloob ang pagkamamamayan sa anak ng mga banyagang naninirahan sa Italya. Ang paaralan ay nagpapahintulot na matutunan ang ating wika, ang ating kasaysayan at ang pahalagahan ang ating lahi” – Berlusconi.

Roma – Oktubre 24, 2014 – Ang pagiging ganap na mamamayang italyano ng mga anak ng imigrante matapos ang isang educational stage. Sang-ayon maging ang lider ng Forza Italia, Silvio Berlusconi sa reporma ng pagkamamamayan ng ikalawang henerasyon batay sa pagpasok sa paaralan.

“Ito ang aming panukala bilang partido – ayon pa sa leader ng FI kasabay ang paghahayag ng bagong kagawaran Civil liberty and Human rights” – ito ay amin ng tinalakay kasama ang mga Parliamentarians sa aming partido, at isinulat na rin. Kami ay sumasang-ayon sa bagay na ito. "

"Naniniwala kami – paliwanag pa ni Berlusconi – na ang pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng banyagang naninirahan sa ating bansa ay isang obligasyon, kung nag-aral ng isang educational stage na magpapahintulot sa kanila na mahusay na magsalita n gating wika, at ang makilala an gating kasaysayan at ang pahalagahan ang ating lahi”.

Ang educational stage ay ang madalas gamitin ng leader ng PD Matteo Renzi bilang mediation. Ito ay nasasaad sa ilang mga panukala na tatalakayin at sususriin ng Constitutional Affairs Commission sa Kamara. Sa puntong ito, sa Parliament ay maaaring may mga prerequisites upang maisakatuparan ang reporma kung saan tila sang-ayon ang nakakarami.

“Si Berlusconi ngayong araw na ito ay sinabing sang-ayon kay renzi sa ius soli: ang bigyan ng citizenship ang mga anak ng imigrante matapos ang isang educational stage. Ako ay nananatiling hindi sang-ayon!” – Ito ang makikitang mensahe ni Matteo Salvini ng Lega Nord sa kanyang fb profile. “Ang emerhensya sa ngayon ay hindi ang pagbibigay ng citizenship o ng karapatang bumoto. Ang tunay na emerhensya ay ang pagbibigay ng trabaho sa Italya: tayo mga Italyano ay ang nagiging imigrante sa ating sariling bansa!”

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Renzi: “Citizenship matapos ang isang educational stage”

Mula 18 buwan sa 3 buwang pananatili sa Cie, aprubado sa Kamara