in

Bagong bonus bebè nakalaan rin sa mga imigrante

Sa panukala, ang 80 euros kada buwan ay nakalaang ibigay para sa mga anak ng mga Italyano, European o non-EU nationals na mayroong carta di soggiorno. Ang family yearly income ay hindi dapat lumampas sa 90,000 euros. Ito ang nilalaman ng panukalang batas sa Parliyamento.

Roma – Oktubre 29, 2014 – Eighty euros kada buwan sa loob ng tatlong taon para sa mga pamilya kung saan magkakaroon ng bagong sanggol. Ito ay ang tinatawag na bonus bebè na napapaloob sa panukalang batas ng Legge di Stabilità upang “makahikayat sa pagbubuntis at makatulong sa mga anumang gastusin”.

Ang tulong pinansyal ay nakalaan din sa mga pamilya ng imigrante. Sa katunayan, sa teksto ng panukala sa Parliyamento, ay malinaw na binanggit ang ang “anak ng mga Italyano, Europeo at mga non-EU citizens na mayroong EC long term residence permit na tinutukoy sa artikulo 9 ng legislative decree 286/98 o ang kilalang carta di soggiorno.

Ang pagtanggap sa benepisyo ng mga magulang na Europeans at non-Europeans na may permanent residency sa bansa ay hindi dahil sa kabutihan ng gobyerno bagkus ay isang pagsunod sa European law ukol sa social benefits na maaaring mag-iwas dito sa anumang paratang ng diskriminasyon. Ito rin marahil ay magiging daan upang malimutan ang bonus bebè 2006 ni Berlusconi na inilaan lamang sa mga Italyano.

Ang bagong bonus bebè ay nakalaan sa bawat sanggol, ipinanganak o inampon, simula Enero 1, 2015, sa kundisyong ang magulang, sa taong 2014 ay hindi lalampas sa 90,000 euro ang gross income. Ito ay hindi lamang para sa ikalimang (o susunod pa) na sanggol sa pamilya.

Ayon pa sa panukala, ang allowance ay nakalaang ipagkaloob hanggang sa ikatlong taon ng sanggol. Ito ay hindi awtomatikong darating sa mga magulang bagkus ay kailangang hilingin ng magulang sa Inps, gamit ang instruction na ibibigay matapos ganap na maaprubahan ang dekreto.

Isang paalala, gayunpaman, na ang mga impormasyong ito ay nilalaman ng panukalang batas na nananatiling naghihintay na maaprubahan sa Parliyamento at maaaring magkaroon ng mga pagbabago.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizens matapos ang Junior High School? Aabot sa 20,000 kada taon

Progetto Malaika – Immigrant Women’s Support