in

Pagsubok sa wikang italyano, Sibika at Kultura, sisimulan na!

Indikasyon ng Ministry Interior sa mga Prefecture – online booking, ang unang session bago matapos ang taon.

Roma – Nobyembre 3, 2014 – Mula noong nakaraang Marso, ang mga Prefecture sa buong Italya ay sinusuri kung ang mga dayuhang pumasok sa bansa sa nakaraang huling dalawang taon ay nakasunod sa layunin ng integration agreement. 

Bukod dito, ang sinumang pumirma sa nabanggit na kasunduan ay dapat na nagsumikap upang matutunan ang wikang italyano at ang base ng Sibika at Kultura at kung hanggang sa kasalukuyan ay hindi mapapatunayan o walang anumang patunay na naabot ang layuning nabanggit, ay kailangang sumailalim sa test o pagsubok. Maaaring magpa-book online sa pamamagitan ng link na ito

Ukol dito, ang Department Of Civil Liberty and Immigration ng Ministry of Interior ay nagpadala kamakailan sa lahat ng mga Prefecture ng isang circular kung saan nasasaad ang mga indikasyon para sa test o pagsubok.

Sa bawat session, paliwanag ng Ministry, ay tatawagin ang tatlumpung mga imigrante. Gagawin ang test sa mga Centri per l’Istruzione degli Adulti, o sa mga paaralan ng mga Centri Territoriali Permanenti, na nagsasagawa na rin ng mga test.

Ang pagsubok ay nahahati sa dalawang bahagi, ang una ay upang masuri ang kaalaman sa wikang italyano sa antas na A2, ang ikalawa naman ay ukol sa kaalaman sa Sibika at Kultura sa Italya. Inihahanda rin ang mga test ukol sa Sibika at Kultura, kung saan sasailalim ang mga mayroong sertipiko sa wikang italyano A2 level.

Dahil sa mababang bilang ng booking hanggang sa ngayon, marahil ay isang session lamang sa bawat lalawigan bago matapos ang taon. Samantala, isinasa-ayos ng Ministry of Interior ang accreditation ng pondo sa mga Prefecture na gagamitin sa mga Centri per l’Istruzione degli Adulti at mga paaralan ng Cetri Territoriali Permanenti: para sa mga magtuturo, janitors/tress, materyales at iba pa. Bawat session na may 30 participants ay magkakahalaga sa estado ng 2300 euros.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bantay Bayan Foundation International

Residenza elettiva, ano ito?