in

Permesso di soggiorno per motivi familiari, mare-renew ba sa paghihiwalay ng mag-asawa?

Magandang araw po. Per motivi familiari po ang aking permit to stay at nalalapit na ang expiration nito. Ako at ang aking asawa ay nagdesisyong maghiwalay. Maaari ko po bang ma-renew ang aking permit to stay?

Marso 26, 2016 – Ang paghihiwalay ng mag-asawa ay hindi dahilan upang mawalan ng permit to stay. Sa katunayan, sa kaso ng legal separation o diborsyo, ang sinumang permit to stay holder na per motivi familiari ang dahilan ay maaaring mag-requst ng conversion ng nasabing dokumento para sa motivo di lavoro (trabaho) o studio (pag-aaral).

Ang request ng conversion ay ginagawa sa Questura, sa pamamagitan ng postal kit lakip ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon para sa uri ng hinihiling permit to stay: motivo di lavoro o di studio. Kung ang aplikasyon ay para sa trabaho, maaaring gawin ito para sa subordiante job o bilang self-employed.

Mahalaga na ang aplikante ay mapatunayang mayroong sapat na kita buhat sa lehitimong paraan, maaaring buhat sa trabaho o annuities, na may groos income na katumbas ng halaga ng social benefit o assegno sociale na nag-iiba taun-taon (para sa taong 2016, ang halaga ng assegno sociale ay 5,825.00). Mahalagang isaalang-alang ang mas malaking halaga sa kasong mayroong dependent minors sa permit to stay, na mayroong katulad na required income ng family reunification. Hindi required na ang sahod ay tinanggap bago magsumite ng aplikasyon bagkus ay tinanggap sa panahon ng pagsusumite ng aplikasyon ng conversion.

At dahil ang permit to stay para sa pamilya ay nananatiling balido, ito ay nagpapahintulot upang makapag-trabaho o makapag-aral at ang dayuhan ay walang anumang hadlang upang ma-empleyo o ang magbukas ng sariling negosyo o ang mag-enrolll sa anumang kurso.

Nangangahulugan lamang na sa kaso ng paghihiwalay, ang dayuhan na mayroong balidong permesso di soggiorno per motivi familiari, ay panatag na makapag-bukas ng sariling negosyo, ma-empleyo o magkaroon ng bagong trabaho o ang makapag-enroll bago pa man magsumite ng conversion ng nasabing dokumento.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Munting Tinig Ko, Alay Ko Sa Iyo

Regularization – Kontribusyon maaaring hulugan