in

Regularization – Kontribusyon maaaring hulugan

Sapat na ang unang hulog upang tuluyang matapos ang procedure ng regularization. Narito ang mga bagong tagubilin ng Ministries of Interior at Labor.

Roma – Nobyembre 4, 2014 – Dalawang taon na ang nakalipas mula sa pinaka-huling regularization, ngunit maraming employers at workers ang nananatiling naghihintay. Nitong nakaraang Biyernes, nagpalas ng mga bagong tagubilin ang Ministries of Interiors at Labor ukol sa pagsusuri ng mga aplikasyon.

Kabilang sa mga requirements ng nasabing regularization ay ang pagbabayad ng kontribusyon ng mga employers mula sa hindi bababa sa anim na buwang trabaho hanggang sa panahon ng pagpirma ng contratto di soggiorno. Ngunit ilan ba sa mga employers ang nagpatuloy sa pagbabayad mula 2012?

Upang matuklasan ito, tulad ng mababasa sa circular, ang Ministry of Interior ay nagpadala ng kumpletong listahan ng aplikasyon sa Regularization lakip ang mga fiscal codes o codici fiscali ng mga workers sa Inps. Ito ang magpapahintulot upang matuklasan ang anumang ‘puwang’ sa pagbabayad ng kontribusyon at anumang resulta ng pagsusuri ay ipaaabot-alam naman sa mga tanggapan ng Sportelli Unici per l’immigrazione.

Kung isasaalang-alang ang panahong lumipas mula sa aplikasyon ng regularization, paliwanag pa ng circular, ay “mataas ang kabuuang halaga”. Sa kasong lumabas ang irregularities sa pagbabayad, ang Sortello Unico ay magpapadala umano ng negatibong abiso sa employer, kasabay ang pag-aaanyayang bayaran ito. Ang pagbabayad sa mga naantalang kontribusyon ay “maaaring hulugan”.  

Sapat na bayaran muna ang unang hulog upang tuluyang matapos ang procedure ng regularization at magkaroon ng first issuance ng permit to stay for subordinate job. Kung kulang sa requirements ang employer o kung hindi na nagta-trabaho ang worker, ang worker ay maaaring bigyan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.

Circolare 24 ottobre 2014, n. 5698. Emersione da lavoro irregolare ex art. 5 decreto legislativo 16 Luglio 2012, n. 109. Precisazioni ed indicazioni operative.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso di soggiorno per motivi familiari, mare-renew ba sa paghihiwalay ng mag-asawa?

325 dayuhan tumanggap ng assegno sociale sa sariling bansa, akusado!